MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Congressman, mistulang manikang de-susi
Hulaan Blues ni: Bernard Taguinod

Bagama’t matanda na, mistulang manikang de susi ang isang bagitong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil magsasalita lamang ito sa press release kapag inutos ng kanyang ama.
Ito ang natuklasan ng DPA ng TONITE hinggil sa bagitong mambabatas na ito na mistulang echo ng kanyang ama sa Kamara bagama’t siya ang naihalal na kinatawan ng kanilang distrito sa Min­danao region.
Sa report na nasagap ng DPA ng TONITE, hindi ang mambabatas ang tunay na nagsasalita kapag ginagawan siya ng press release ng mga PR group ng Malacañang.
Ang ama kasi ng mambabatas na ito ang tinatawagan ng mga PR group ng Malacañang na nagkalat sa Kamara para magsalita sa kanilang press release na pabor kay Pa­ngulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ginagamit lamang umano ang pangalan ng mambabatas kaya wala itong kaalam-alam na mayroon siyang inilabas na press release na nagtatanggol sa Malacañang kahit wala na sa hulog.
Ito marahil ang dahilan kaya umiiwas sa media ang mambabatas kapag mayroon itong press release dahil tiyak na mabubuko na hindi siya ang nagsalita rito kundi ang kanyang ama.
Kapag may pagkaka­taon din na makorner ng PR group ang mambabatas para pagsalitain sa press release ay hindi agad ito sumasang-ayon bagkus ay hihingi ito ng ilang minuto para pag-aralan ang isinusubong statement sa kanya.
Pero hindi nag-iisip ang mambabatas dahil tatawag ito sa kanyang tatay para humingi ng go-signal kung aayunan nito ang nakahandang statement.
Kapag sumang-ayon ang tatay ng mambabatas ay saka ito tatawag sa PR group para sabihin na aprub na ang statement subalit kapag hindi ay magsasara na ng cellphone ang mokong para hindi na matawagan.
Clue: Dating tambay ang mambabatas at dahil walang pumalit sa kanyang anak sa iniwang upuan sa Kamara ay pinatakbo ito ng kanyang tatay at nanalo naman. Mayroon siyang inisyal na C as in Copy Cat ng kanyang ama.

 

Microsoft Internet Explorer 7