MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Danica, naglihi kina Allan K at Jose Manalo
ni: Allan Diones
 

Hindi na kasama si Marian Rivera sa pelikula nina Dolphy at Vic Sotto. Sa first shooting day ng Dobol Trobol (working title ng Dolphy-Vic movie) nu’ng Biyernes ay hiningan namin ng paliwanag si Bossing kung anong nangyari at napalitan si Marian sa nasabing project.
“Hindi sumwak sa schedule ni Marian, eh! It’s as simple as that. Ewan ko kung ano ‘yung mga ibang lumabas na balita, pero ‘yun lang ‘yon.
“She was okay na, okay with the production, bagay naman sa kanya, swak naman siya du’n sa role, pero nu’ng rebyuhin ‘yung schedule, hindi na siya pumuwede.
“And we cannot adjust. Hindi kami makapaghihintay. Mahirap, maaantala ‘yung shooting. Kasi, Dyese­bel (bagong primetimes series ni Marian) is ilang shooting days a week ‘yon at saka out of town (ang location).
“Ang mabibigay niya sa amin was like one shooting in two weeks. Patay kami no’n! So, nakapanghihinayang pero nagkaintindihan naman both parties. There’s always a next time,” pahayag ni Vic.
Sinong pumili kay Riza Santos para maging kapalit ni Marian?
“I don’t know. Siguro, may nag-suggest, tapos sinabi sa akin. Sabi ko, okey! Fresh and bagay naman siyang anak ni Dolphy…”
Bagay ba silang loveteam ni Riza?
“Ewan ko, sana! Pero hindi naman kasi ‘yun ‘yung pinaka-main focus nu’ng movie, eh!”
Alam niya bang hindi masyadong marunong mag-Tagalog si Riza?
“Yeah, it’s okay! Madali namang solusyunan ‘yun, eh!” sagot ng Come­dy Box-office King.
Malapit nang maging lolo si Bossing dahil in a few months ay manga­nganak na ang anak niyang si Danica Sotto…
“Oo. Matagal na akong naging lolo sa mga kapatid ko, pero ‘yung full-fledged lolo… six months na ngayon si Danica eh, going seven. So maybe, in less than three months time, mga June siguro, manganganak na siya.
“Lalaki (ang magi­ging anak)! Nakita ko na ‘yung picture, eh! Ganu’n (matangos) ‘yung ilong, o!” masayang kuwento niya.
So, nakuha ang ilong ng mga Sotto?
“Hindi, sabi ko, baka Quilantang (apelyido ni Allan K.), eh! Parang ang laki ng ilong, sabi ko, ‘Baka si Allan K. ang kamukha nito, ah?!’
“Kasi, may kuwento ako riyan. Nu’ng bago pa lang buntis si Danica, siguro mga two months, di ba, ‘yun ‘yung mga time na naglilihi? Tumawag sa akin minsan.
“Sabi niya, ‘Bakit ganu’n si Allan K, ang sisikip ng mga suot? Nakakainis, ang taba-taba niya, ang laki-laki ng tiyan, tapos ang sisikip ng suot!
“Tapos, ‘yan si Jose (Manalo), dati natatawa ako, ngayon hindi na siya nakakatawa, huh!’ Naku po! Sabi ko, ‘Hija, huwag ka munang manood ng Eat Bulaga, ah?’ Isi­pin mo, Allan K at saka Jose?!” natatawang sambit ni Vic.
So, dapat pala, hindi niya muna pinag-report sa Eat Bulaga si Allan K nu’ng time na ‘yon?
“Ha! Ha! Ha! Si Allan ang banned? ‘Sorry, Allan, ha? Para lang sa kinabukasan ng apo ko ‘to, puwede ka munang magbakasyon!’” dayalog pa ni Bossing, sabay tawa.
***
Balitang si Mang Dolphy mismo ang pumili kay Marian Rivera para makasama nila ni Vic Sotto sa unang pelikulang pagsasamahan ng dalawang hari ng ko­medya.
Ayon sa Comedy King, “Well, namimili kami, eh! Siyempre, bilang nagpoprodyus din ako nu’ng araw, sabi ko, kung sino ‘yung mabango, ‘yun ang kunin mo, di ba?
“Eh kaso, nabinbin nang nabinbin ‘yung
aming project hanggang nagkaroon na siya (Ma­rian) ng bagong project (sa TV). Magiging busy na ang schedule niya…”
Anong naramdaman niya na hindi natuloy sa pelikula ang perso­nal choice pa man din niyang si Marian?
“Okey lang ‘yon, hindi pwede, eh! Wala ta­yong magagawa. Ako naman eh, okey lang lahat sa akin. Walang masamang tinapay sa akin. Ha! Ha! Ha! Kung hindi pwede, hindi pwede. Bakit pipilitin mo?” bulalas ni Mang Dolphy, nang makausap namin sa first shooting day ng movie nila ni Vic sa studio ng TAPE, Inc. sa Central Business Park sa Manggahan, Pasig.
Okey lang ba sa kanya ang ex-PBB Celebrity Edition 2 housemate na si Riza Santos bilang kapalit ni Marian?
“Okey. Sabi ko nga, sa akin, walang masamang tinapay. ‘Pag sinabi kong hindi okey, baka may magalit sa akin! Ha! Ha! Ha!
“Kaya nga lang, mas malakas si Marian nga­yon. Mas may kapit siya. Pero may Dyesebel na siyang gagawin, eh! Mahirap ‘yun, so hindi na pwede.”
Ibig sabihin, pinapanood niya noon si Marian sa Marimar?
“Oo naman! Pinapanood ko lahat ‘yan, kung ano ‘yung pinapanood ng mga tao. Siyempre, kung saan gusto mo, doon ka tututok,” dayalog ng Hari ng Komedya.
Humirit pa si Mang Dolphy na pati American Idol ay sinusubaybayan din niya.
“Gusto ko ‘yung Pilipina (Ramiele Malubay). Nandu’n pa rin siya, ha? Magaling siya kahit maliit lang siya,” naka­ngiting sey pa ni Pidol.

 

Microsoft Internet Explorer 7