MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Matandang binatang bukas-kotse, huli
(Aries Cano)
 

Nadakip ang isang 62-anyos na binata matapos umanong matiyempuhan habang kinakatay ang accessories ng isang nakaparadang sasakyan sa Maynila kahapon ng hapon.
Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si Victor C. De Castro, walang trabaho, ng New Antipolo St., Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 3, dakong alas-5:30 ng hapon ng mahuli ang suspek habang kinakana ang hubcap ng nakaparadang sasak-yang Toyota sa panulukan ng P. Guevarra at Malabon St., Sta. Cruz, Maynila.
Mismong ang biktimang si Enrique Mandreza, 42, empleyado, ang nakahuli sa suspek at nang ito’y dalhin sa presinto nabuking din ang bitbit pa umano nitong improvised pick lock.
Samantala, natimbog naman ang isang bebot matapos mabuking ang iniingatang hinihinalang shabu sa Maynila kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Normalyn L. Constantino, 47-anyos, separada, tindera ng isda at residente ng 2281 Elias St., Sta. Cruz, Maynila.
Sa ulat ng MPD-Station 3, dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa ng matiklo ang suspek nang matiyempuhan ng mga nagrorondang kagawad ng Barangay 35, Zone 35. Narekober umano sa suspek ang isang maliit na selyadong plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu.

 

Microsoft Internet Explorer 7