MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
ISA NAKA-JACKPOT SA P249M SUPER LOTTO DRAW

Isang lotto bettor na hindi pa alam kung lalaki o babae, ang nanalo ng P249,005,120.40 jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw kagabi.
Nanalo ang six-digit winning combination na 47-32-01-46-15-29 sa 6/49 draw kagabi na inabangan ng maraming kababayang Filipino.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) spokesman Larry Cedro, ang nag-iisang jackpot winner ay mula sa Luzon.
Hinigitan ng lotto jackpot kagabi ang Super Lotto 6/49 jackpot noong Oktubre 2002 kung saan anim na katao ang naghati-hati sa premyong P202 milyon. Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing araw ng Huwebes at Linggo.
Ayon sa PCSO, umabot sa mahigit P180 million ang nabentang lotto ticket para sa 6/49 draw kagabi.

 

Microsoft Internet Explorer 7