MARCH 31, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Radio reporter, binantaan
(Lily Reyes)
 

Nahaharap sa kasong grave threat ang tatlong kalalakihan matapos na pag­bantaan umano ang isang radio reporter kamakalawa sa Caloocan City.
Kinilala ang mga suspek na sina Prudencio Suratos, Gil Sanopo at Miguel Fabros, pawang nakatira sa Block 37-M, Dagat-Dagatan, Caloocan. Pinagbantaan umano ng mga suspek ang radio reporter ng dzRJ na si Edgardo “Egay” Lanada Sr., 51, ng Block 57, Sugpo Alley, Barangay 8, Dagat-Dagatan, Caloocan.
Ayon kay Lanada, naganap ang insidente bandang alas-siyete kamakalawa ng gabi sa bahay ng kanyang kaibigan na si Rosario Mendoza ng nasabi ring lugar.
Nabatid na tinulu­ngan ni Lanada si Mendoza na magsampa ng kasong acts of lasciviousness laban sa isa sa mga suspek na si Fabros dahil sa panghihipo umano sa isang menor de edad na babae.
Nagtungo si Lanada sa bahay ni Mendoza upang alamin kung ano na ang nangyari sa kaso nang makarinig sila ng sigaw mula sa labas ng bahay ng huli. Nabatid na nag-iinuman ang tatlong suspek at minumura at pinagbabantaan pa umanong papatayin si Lanada at pilit na pinalalabas ng bahay.
Dahil sa labis na takot nagpasya si Lanada na magsampa ng kaso laban sa tatlo.

 

Microsoft Internet Explorer 7