Pangungunahan ng mga bigating high school players mula sa iba’t ibang sulok ng bansa, kasama ang mga miyembro ng Nokia Pilipinas RP U-16 team, ang Nike Elite Camp mula Abril 3-8 sa Brent Mamplasan sa Laguna.
Ayon kay camp director Alex Compton, bukod sa mahahasa sa mga drills ang skills ng mga partisipante ay matututunan pa nila ang tamang disiplina at asal sa labas ng court. Pagkatapos ng camp ay ang All-Star games na babak-apan ng San Miguel Corporation.
“Nike Elite Camp remains to be a pioneer in gathering all these top high school players under one roof to further mold them to be players capable of reaching it to the next level, whether on basketball or in life,” ani Compton.
Ang mga partisipante ay pinipili base sa nominasyon ng mga high school coaches at sa evaluation ng isang komite na kinabibilangan ni Compton.
Sa unang pagkakataon, nasama sa camp ang mga players mula Iloilo, Cagayan de Oro, Davao at Olongapo. |