Inaasahang magpapasiklaban ng bilis at tatag ang 120 riders sa pagsikad ng Padyakan sa Batangas Eh! sa Mayo 23-25.
Ang Padyakan sa Batangas Eh! ay isinasagawa ng probinsya ng Batangas bilang parte ng kanilang prog-rama sa sports at tourism.
Nagsisilbi rin itong karugtong ng sinimulang Tour de Taal ng probinsya. Babagtasin ng mga kalahok mula sa 32 lalawigan ang iba’t ibang tourist destinations ng probinsya.
Ang Padyakan sa Batangas Eh! ay inorganisa ng Batangas Provincial Tou-rism Office at sanctioned ng Philippine Cycling Fe-deration (PhilCycling).
Maaari nang magparehistro ang mga interesadong sumali sa Padyakan. Para sa mga karagdagang impormasyon, tawagan o i-text si race director Pepe Chavez sa 0927-6967671.
|