KEY BISCAYNE, Fla. (AP) --- Ang magkapatid na Serena at Venus Williams na lang ang natitirang US females sa 32 players na sumampa sa third round ng Sony Ericsson Open.
Nanaig si top-ranked Serena kay 19-year old Californian Alexa Glatch 6-2, 6-3. Inamin ni Glatch na sa kanilang henerasyon ngayon, wala pang magpapataob sa magkapatid na Williams.
Si no. 5-seeded Venus ay nanaig din sa kanyang opening match kay Shahar Peer 6-3, 6-3. Ang mga seeded players ay binigyan ng first-round byes.
Sa men’s side, matikas na sinimulan ni top-ranked Rafael Nadal ang pagtatangka sa unang titulo sa Key Biscayne nang kaldagin si Teimuraz Gabashvili 6-2, 6-2. |