March 30 , 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Extreme skier patay sa stunt
 
 
Namatay ang extreme skier na si Shane McConkey nang tumalon sa isang bangin na may parachute habang kinukunan ang isang eksena sa pelikula sa Italy.
Kinumpirma ng Red Bull, sponsor ni McConkey, ang pagkamatay ng 39-an-yos na skier kamakalawa.
Nasa Corvara, Italy si McConkey sa isang ski-BASE jump nang magka-aberya sa ere, ayon sa statement ng Red Bull. Ilang minuto ang nakalipas ay nagdatingan ang mga Ita­lian emergency responders na nagdeklara ng kanyang pagkamatay.
“Shane loved life and innovated both sport worlds he touched, skiing and B.A.S.E. Jumping,” anang bahagi ng statement ni Red Bull spokesman Patrice Radden.
Si McConkey ang founder ng International Free Skiing Association at naging popular dahil sa kanyang BASE jumping competitions at big-mountain film exploits.
Ang BASE jumping ay uri ng sport na ginagamitan ng parachute o kaya ay halinhinang paggamit ng wingsuit at parachute sa pagtalon mula sa tuktok ng mga matataas na fixed objects. Sarado pa ang parachute bago tumalon.
Ang BASE ay acronym ng apat na kategorya ng fixed objects na tinatalunan: Building, Antenna, Span, Earth (bangin, bundok).
Napanalunan ni McConkey ang IFSA world tour ng free skiing noong 1996 at 1998, at sumegunda sa 1999 Winter X Games Skier X competition. Noong 2001, inilista siya ng Skiing Mag bilang top skier sa North America, at tatlong ulit ibinoto ng Powder magazine readers bilang skier of the year.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES