March 30 , 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino
Eddie Villanueva


Nang ilunsad ang Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement noong Sabado sa Araneta Coliseum, dumagundong ang nagkakaisa at sama-samang tinig ng mga taong dumagsa sa lugar; pumailanlang ang sigaw ng bayan: May pag-asa pa!
Nakapangingilabot makita ang libu-libong Pi-lipinong hindi nagkasyang tanggapin na lamang ang kasalukuyang lugmok na kondisyon ng bansa, bagkus ay tumayo, humakbang, sumuporta, at patuloy na naninindigan para sa isang Pi-lipinas na produktibo, masagana, at marangal.
***
Hindi binigo ng iba’t ibang grupo at lider mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang paniniwala ng Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement na pwedeng kumilos nang sama-sama para sa pagbangon ng bansa. Dumalo sa pagtitipon sina dating DOTC Sec. Josie Lichauco, dating NLRC Chair Roy Seneres, Akbayan Rep. Risa Hontiveros, mga Sumilao farmers at kinatawan nitong si Yo-yong Merrida, Leah Navarro mula sa Black and White Movement, dating SEC chair Jun Yasay, at ang Bangon Bagong Pilipinas coordinator sa Amerika na si Atty. Ramoncito Ocampo. Lubos ding nakakahanga ang kabayanihang sinasalamin ng musika nina Gary Granada, N­oel Cabangon, Arnel de Pano, Reuben Laurente, at Brenan Espartinez na nakiisa sa paghamon sa ba­yan na manindigan sa pagiging dakilang lahi nito.
Gusto kong batiin ang Bangon Bagong Pilipinas executive committee sa matagumpay na paglu-lunsad ng panibagong pa-nawagan para sa pagbabago at pag-asa ng Pilipinas. Bagama’t galing sa iba’t ibang grupo at sektor, totohanan namang binibigkis ng iisang pangitain at adhikain ang lahat para sa isang bagong Pilipinas. Para kina Atty. Louie Sison na mula sa Couples for Christ, A­tty. Ted Pascua mula sa Victory Church, kay Atty. Ramoncito Ocampo mula sa El Shaddai, Tom Mene-ses mula sa Seventh Day Adventist, Christian businessmen Wyden King, Harry Limtong, at Ben Co (na bagama’t negosyante’y katuwang din ng mga grupong manggagawa), edu-cator Mila Aguilar, da­ting NEDA chief Ciel Habito, at sa lahat ng coordinators at volunteers ng Ba-ngon Bagong Pilipinas sa buong Pilipinas -- mula sa mga probinsya hanggang sa mga barangay -- talagang may pag-asa pa ang bayan dahil sa magigiting na Pilipinong tulad ninyo.
***
Sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement, isusulong natin ang pagpapala­kas sa Pilipino, ibabalik natin sa kanila ang lakas na pumili, magluklok, at mag-alis ng mga tagapamahala ng bayan gamit ang kanilang boto; palalayain natin ang Pilipino, igigiit natin ang katarungan para sa mga nagdurusa dahil sila’y inhustis-ya; tuturuan natin ang Pili­pino, ipagla­laban natin ang karapatan sa edukasyon ng bawat bata at kabataan, maging ng katandaan at may kapansanan; pasisig-lahin natin ang ekonomiya sa pamamagitan ng mga programang pangkabuha-yan na makabago ngunit maka-kalikasan; itataas natin ang kalidad ng buhay ng Pilipino na may access sa malinis na tubig, mahusay na klinika, ligtas na parke’t palaruan, kuryente at telepono; aalisin natin ang tiwaling pamamahala, ang bawat sangay ng pamahalaan ay maglilingkod a­yon sa kanilang sinumpaang tungkulin sa Diyos, sa ba-yan, at sa batas; at isusulong natin ang pangkalahatang kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay-prayoridad sa Mindanao at sa mga lugar na sinira ng mga labanan habang pinalalakas ang depensa ng Pilipinas sa lupa, himpapawid at karagatan sa pamamagitan ng mga ma­kabagong sandata at kagamitan upang ang mga kasalukuyang usaping panlabas ay malutas mula sa malakas na posisyon bilang isang bansa.
Kung totohanan itong maitataguyod at mapakikilos, buhay na buhay ang pag-asa para sa isang bagong Pilipinas, para sa isang bagong Pilipino!
***
Ating laging tatandaan, sa lahat ng pagkaka-taon, manalig tayong may magagawa ang Diyos. At kahit minsan ay mahirap paniwalaan, isipin nating MAY PAG-ASA PA para sa minamahal nating ba-yang Pilipinas!
Iniimbitahan ko ka-yong manood sa telebis-yon ng programang Diyos at Bayan tuwing Sabado (12:00mn, QTV 11), Linggo (6:00 a.m., QTV 11; 12:30mn, GMA7) at Martes (6:00 a.m., QTV 11).
(abante.broeddie@yahoo.com)

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES