March 30 , 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
OFWs nakaantabay sa mga nangyayari
Chingbee


Shocking para kay Ronaldo, isang OFW sa Dubai na magbabakasyon sa Pilipinas sa susunod na buwan, ang nangya-ring kidnapping sa Taguig City, kung saan ay naka-uniporme pa ng pulis ang mga kidnapper na naglagay pa ng checkpoint.
Usap-usapan daw ito ng mga kasama niya sa hotel na pinagtatrabahuhan matapos mabasa sa online edition ng mga pahayagan natin, tulad ng TONITE online.
Dismayado
Aniya’y nakakadismaya raw ang mga pangyayari dahil mga batang nag-aaral pa ang biniktima na sigurado raw siya na na-trauma.
Hindi rin daw li­ngid sa kaalaman ng mga OFW ang nangyari noon na pa-ngingidnap sa isang fo-reigner, na isang British national naman ang nasa likod ng abduction.
At syempre pa, inaantabayanan din daw nila ang mga kidnapping sa Minda-nao, pati na ng mga Red Cross wor­kers, na aniya’y nakakahiya sa ibang bansa.
Holy Week
Madaling makalimutan ng mga Kristiyano sa Middle East na Lenten Season na o maging ang mismong Holy Week.
Una, lalo na sa Saudi, bawal talagang magpraktis ng ibang relihiyon.
Ikalawa, walang ho-liday na idinedeklara ‘di tulad sa Pilipinas na karaniwang wala nang pasok pagdating ng Holy Wednesday.
Kahit sa mga bansa sa labas ng Middle East ay madalas maisantabi ng mga Kristiyanong OFW ang kahalagahan ng Semana Santa dahil sa iba’t ibang kultura, paniniwala at pang-araw-araw na concern.
Meditasyon
Gayunman, hindi naman kailangan ng mga OFW na idaos ang Semana Santa tulad ng nakagawian sa Pilipinas - pabasa ng pasyon, atbp. - dahil sapat na ang pagdarasal at meditasyon para sa mga tunay ang paniniwala.
Kailangan talaga ng bansa natin ang pag-antabay ng Maykapal dahil sa samu’t-saring problemang kinakaharap natin, tulad ng paghina ng ekonomiya, pag­lakas ng kriminalidad at paggulo lalo ng pulitika.
Idagdag pa ang init ng tag-araw at siguradong marami na naman ang mag-iinit ang ulo diyan. Konting lamig lang po dahil nand’yan ang panganib ng alta presyon at heat stroke.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES