March 30 , 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
BF itinataboy sa Lakas
(Juliet de Loza)
 

Mistulang itinataboy na ng Lakas-CMD si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani ‘BF’ Fernando na patuloy nag-aambisyong maging susunod na presidente ng Pilipinas.
Ito ay matapos ihayag kahapon ni Ed Malay, spokesman ng Lakas-CMD, sa ginanap na pulong-balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, na “umalis na lamang siya (Fernando) at huwag takutin ang mga taga-Lakas na aalis siya ng partido kung hindi siya ang ieendorsong kandidato.”
“Magpataas muna siya ng rating, ipakita niya na may winnability siya. Ang hinahanap ng partido na suportahan e ‘yung kandidato na may winnability,” ayon pa kay Malay.
Nalaman din na nakatakdang magpatawag ng pulong ang Executive Committee ng Lakas-CMD para pag-usapan ang mga isyu na nakakasama sa partido.
Malamang umano sa darating na Hunyo ay makapagpalabas na ng maiksing listahan ang Lakas-CMD ng kanilang kandidato at sa darating na Nobyembre ay iiendorso na nila ang kanilang kandidato para sa 2010.
Sa kasalukuyan, inamin ni Malay na kulelat si Fernando at hindi lumalabas ang pangalan nito sa mga survey na ginawa ng apat na survey companies.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES