March 30 , 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Interfaith rally sa Quiapo
(Juliet de Loza)
 

May 1,000 katao mula sa ilang Muslim at Christian organization ang lumahok kahapon sa ginanap na interfaith rally sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila.
Ayon sa report ng District Tactic Operation Center ng Manila Police District (MPD), nagsimulang magtipun-tipon ang mga tao sa Plaza Miranda dakong alas-kuwatro ng hapon.
Layunin ng naturang interfaith rally na ipagdasal ang kaligtasan at mabilis na kalayaan ng mga hinostage na volunteer ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na dinukot sa Sulu.
Kabilang sa mga nakiisa sa interfaith rally ang Assalam Bangsamoro People’s Association, Office of the Muslim Affairs (OMA) at Center for Moderate Muslim (CMM) na kumokondena sa kidnapping sa Mindanao.
Nanawagan ang mga grupo sa bandidong Abu Sayyaf Group na palayain na sina Andreas Notter, Eugenio Vagni at Mary Jean Lacaba.
Nauna rito, magugunita na ang Golden Mosque sa Quiapo, Maynila; Blue Mosque sa Taguig City at ang Salam Mosque sa Quezon City ay nag-alay ng tradisyunal na panalangin para sa pagpapalaya sa tatlong ICRC personnel.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES