March 30 , 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Si Gloria ang may sala sa ‘nation of servants’
(Rey Marfil)
 

Bagama’t inupakan ang pamunuan ng Hong Kong magazine na nang-insulto sa Pilipinas matapos taguriang ‘nation of servants’, walang ibang sinisisi si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson kundi si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay Lacson, numero unong kritiko ni Mrs. Arroyo, hindi mababansagan ang Pilipinas bilang nation of servants kung naibibigay lamang ang karampatang serbisyo sa mga nasasakupan.
Aniya, walang trabahong maibigay si Mrs. Arroyo at hindi rin mabig­yan ng gamot ang mga nagkakasakit kaya’t napipilitang mangibang-bansa para maghanap ng ibang oportunidad at mapagkakakitaan ang mga Pinoy.
“Dahil nga ang gobyerno natin nagpapasasa sa pamahalaan at ang kababayan natin ‘di binibigyan ng social services dahil nauubusan sa corruption ang budget at ‘di naasikaso kung anuman ang ikabubuhay ng ating mga kababayan. ‘Di natin masisisi ang ating kababayan para humanap ng pagkakitaan sa labas ng bansa at walang opportunity dito,” ani Lacson.
Bagama’t sinisisi si Mrs. Arroyo sa pang-iinsulto ng Hong Kong magazine, inupakan ni Lacson ang pagmamaliit sa kakayahan ng mga Pinoy lalo pa’t maraming professionals ang binabayaran ng malaking halaga ng mga dayuhan dahil sa angking talino at kakayahan nito.
“Para tawagin tayong nation of servants, napaka-unfair na tag ‘yan dahil ang ating OFW maraming mga professional sa labas. I think myopic masyado ang pana­naw ng magazine na sumulat niyan,” ani Lacson sa dwIZ radio.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES