March 30 , 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Labanan ng mga padrino!
(Dindo Matining)
 

Hindi lamang laban ng mabibigat na personalidad sa pulitika ang 2010 presidential election kundi giyera rin ng mga malalaki at maimpluwensiyang negosyante na tatayong padrino ng mga umaasam na maging pinuno ng bansa.
Dahil dito, nanawagan sa taumbayan si Citizen’s Battle Against Corruption (Cibac) party-list Rep. Joel Villanueva na maging matalino sa pagpili ng kanilang kandidato sa presidential at vice presidential dahil sa bandang huli, ang padrino ng mga ito ang siyang magkokontrol sa kanila kapag sila’y naupo na sa puwesto.
“We should watch out for the oligarchs, how they’re going to play their cards this 2010 elections in order to protect their empire,” pahayag ni Villanueva kahapon.
Bagama’t may ilang mga presidentiables ang hindi pa opisyal na nagpapahayag ng kanilang kandidatura, maaga namang lumilitaw ang mga pangalan ng mga business tycoons na sinasabing magiging padrino ng mga ito pagdating ng kampanya para sa 2010 elections.
“Identified na ang mga negosyanteng ito na may kani-kanyang susuportahan sa 2010 presidential election, kaya lumilitaw na parang laban din ng mga malalaking negosyante,” ani Villanueva.
Ayon naman kay Nueva Ecija Rep. Edno Joson, na magiging ipokrito lamang ang mga presidentiables kundi nila tatanggapin ang tulong pinansiyal ng mga malalaking negosyante sa bansa.
“Politicians who do not have enough campaign funds are expected to grab businessmen’s financial aid in exchange of favors at the proper time. ‘Di ba lahat vested interests ‘yan?,” pahayag naman ni Joson.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES