March 30 , 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Senado ang atat sa ChaCha -- Kamara
Nina Dindo Matining at Rey Marfil
 

Hindi ang Kamara kundi ang Senado ang siyang nagpipilit na palitan ang sistema ng gobyerno mula sa presidential tungo sa parliamentary.
Ayon kay Speaker Prospero Nograles, ang Senado ang nasa likod ng panukalang gawing federalismo ang sistema ng ating bansa mula sa presidential dahil nilagdaan pa nila ang isang resolusyon hinggil sa nasabing panukala sa pangunguna ni Senate minority leader Aquilino Pimentel Jr.
“Remember, for the record, that proposal has not come from the House. Wala naman sa House ang nagpo-propose ng parliamentary which changes the form of government from presidential. It’s the Senate,” ani Nograles.
Ang paliwanag na ito ni Nograles ay bilang tugon sa naunang pahayag ni Sen. Francis Escudero na kaya umano nagpipilit ang Kamara na isulong ang Charter change (ChaCha) ay upang baguhin ang sistema ng gobyerno mula sa presidential hanggang sa maging parliamentary na ito.
Payo ni Nograles kay Escudero, hindi dapat kastiguhin ang Kamara kundi ang mga kasama nito sa Senado dahil sila ang may panukalang baguhin ang sistema ng pamahalaan.
“I don’t know why they are not acting on it because they have signed it already, 19 of them. That means all the senators want to change the form of government from presidential to federal -- not the House,” ani Nograles.
Samantala, tiniyak naman nito na kasama sa pangunahing agenda sa deliberasyon sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Abril 13 ang panukalang amyendahan ang Konstitusyon kabilang ang kanyang House Resolution 737 na humihiling na amyendahan ang economic provision nito.
Samantala, dismayado si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson dahil pondo ng mamamayan ang nadidisgrasya.
Ayon kay Lacson, pinaka-kawawa sa ChaCha ang mamamayan dahil kaban ng bayan ang sugatan at pinagkukunan ng pondo para maitulak ang pansariling interes ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Bagama’t walang mangyayari sa Charter change, nakakalungkot isipin aniyang pondo ng bayan ang ginagamit ng Malacañang sa pagsusulong ng term extension nito gayong napakaraming ibang dapat pagkagastusan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES