March 30 , 2009 Monday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Ipagdasal natin ang tagumpay ni Manny
Ni JOE BARRAMEDA
 

PITONG taon na ang nakakalipas nang mamatay si Rico Yan sa isang resort sa Palawan noong Marso 29, 2002.
Iilan na lang yata ang nakaalala sa magaling na aktor na kasikatan niya nang kunin siya ng Poong Maykapal.
Sa edad na 27 ay napa­kabata pa niyang mamatay pero kahit tayo ay anytime puwedeng bawiin ang hiram na buhay.
Nagulantang ang mga Pilipino noong March 29, 2002 nang mabalita ang pagpanaw ni Rico na nataong Biyernes Santo. Sa araw na iyon ay nawala ang alaga naming mynah bird. Nagising kami sa text message mula sa isang kaibigan na nagtatanong kung patay na ang aktor. Nakumpirma namin iyon sa butihing ina na inabisuhan kami na dumiretso na sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park na u­nang planong paglalagakan ng labi na anak.
Nang makarating kami sa Santuario na punung-puno ng tao, nakatanggap uli kami ng text message kay Mommy Sita na sa La Salle Greenhills na kami tumuloy dahil doon na paglalamayan ang labi ni Rico.
Tanging family members at close friends ni Rico ang naroon sa unang gabi.
Kinabukasan hanggang sa huling gabi ay dumagsa ang kababayan natin na nakiramay sa pamilya ni Rico.
Kung buhay pa si Rico Yan nitong nakaraang Marso 14 na kanyang kaa­rawan ay 34 na sana ang edad niya.
Hindi namin malilimutan si Rico na naging mabu­ting kaibigan.
***
Now it can be told na si Dyan Castillejo ang nagbuyo kay Manny Pacquiao na pumirma para maipalabas sa ABS-CBN ang laban niya with Hatton sa Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada, USA.
Hindi na sana magsasalita muli si Manny para mag-concentrate siya sa training pero naiirita siya sa mga nilabas na statement ng ABS-CBN.
Hindi na rin sana niya babanggitin ang offer ng nasabing network na susuportahan siya sa susunod na eleksyon na labag sa batas na magsuporta sa isang kandidato.
Sana, itigil na ang mga ganito para makapag-concentrate ang pambasansang kamao sa kanyang training.
Ang tagumpay niya ay tagumpay ng buong Pilipinas.
Nakakaloka ang iba na nanalangin na sana ay matalo si Manny sa Mayo.
Ano ba ‘yan, may halong inggit? Kapag nanalo si Manny, da­may tayong lahat at nakatingin sa atin ang buong mundo. Ipagdasal natin ang tagumpay ni Manny sa Mayo 2. At sana, ‘yung mga nakapaligid kay Manny ay huwag nang iparating pa ang mga negative news na ikaka-distract ng pambansang kamao.
Kung sino pa ang nakapaligid, siya raw nakakasira sa host ng Pinoy Records. Nakakaloka
***
Unti-unti nang napapansin ang komedyanteng si Kim na isang addittion sa Eat Bulaga.
Isang gabi na nakita namin si Kim sa Zirkoh Greenhills ay ipinakita niya ang bukol niya sa ulo dahil sa mali niyang pagkakabagsak sa isang eksena sa Eat Bulaga.
Hindi naman niya ininda ito at ang mas binibigyan niya ng atensyon ay makapagpaligaya ng fans at televiewers ng Eat Bulaga.
Si Kim ay regular ng Zirkoh Greenhills at Klownz Comedy Bar sa Quezon Avenue. Sa Miyerkules ay may birthday show siya sa Zirkoh Greenhills.
***
May mga nag-iintriga kay Richard Gomez. Nandu’n kami sa interview niya kaugnay sa dying showbiz industry at wala siyang binanggit na kahit sinong artista.
Ang sa kanya ay magtulung-tulong ang lahat ng sector na nakikinabang sa showbiz industry para maka-survive at maibalik ang sigla ng showbiz.
Nagbibigay-kasiyahan ang showbiz sa mga Pinoy lalo na ngayong may world crisis.
Sa mga natitirang araw airing ng Family Feud ay maglalaro ang celebrities.
Tutukan ninyo kung magtatagumpay ang mga artista.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES