‘YANG hindi matapus-tapos na panghuhula kung kelan ba ang petsa ng kasal nina Juday at Ryan eh nagkaroon na ng mga sanga-sanga sa pagkainip sa Juday-Ryan rituals. Kaya nag-segue na.
Oh debah, ikakasal daw sa april si Alma Moreno sa Muslim lover niya? Eh kumpirmadong tapos na ang kasal na dinaluhan pa ng mga anak ni Alma.
Parang may hanging question pa na sasagutin sa pagbabalik ng programa, ‘noh?!
May kasalan at parada bang magaganap? At iwe-welcome nga kaya ng first wife ng Muslim ang second wife na si Alma?
Abangan ang susunod na kabanata!
***
Nagsalita na rin si Mark Fernandez.
Kung aprubado siya sa pagpapakasal ng sarili niyang ina, bakit tutol si Mark sa pagpapakasal ni Lorna T sa iba eh stepmom lang naman niya si LT?
Extended ba ang go-signal ni Mark?
Just as Mark has spoken, heto naman si Luis Manzano at habol din by saying ayaw niya si Edu Manzano for Plinky Recto o Pinky Webb?
Which is which nga ba? Hindi ko na kasi nasundan ang lovelife ni Eduardo mula nu’ng maghabol siya ng mga Muslim.
Kaya kalaban na si Edu ngayon ni Alma Moreno na Muslim ang mister, huh!
At tiyak na walang makukuhang boto si Eduardo sa Mindanao oras na kumandidato siya uli.
Kung si Plinky Recto ang pakakasalan ni Edu, eh related sila ng mister ng dati niyang asawa na ina ni Luis?
Eh paano kung si Pinky Webb? Related naman kay Freddie na eternal loveteam naman ni Nova Villa?
Ay, naguluhan na raw ako nang husto!
***
Si Maricel Soriano na asawa pa rin legally ni Edu ngayon ay okay na ma-annul na ang marriage nila.
Ang tatay ni Vandolph ay nainis na sa pagbawi na naman daw ng annullment ng kasal ni Zsa Zsa sa nanay ng ex ni Dingdong Dantes!
Ay tama na nga at baka kung saan-saan na naman magkawing-kawing itong ating kuwento, ‘noh?!
Basta, kung magpapakasal eh sige, magpakasal! At kung maghihiwalay, eh sige, maghiwalay.
Isa lang ang tandaan n’yo: mag-ipon ng sapat na salapi para sa pagpapakasal and reception, then mas malaking halaga para sa annulment na mas magastos dahil gagastos sa abogado at tatagal pa ng halos 10 years ang paghihintay na bayad lang nang bayad syempre sa abogado, ‘noh?!
Si Amy Perez na nagkaanak na kay Carlo Castillo ay hindi pa aprubado ng korte ang annulment sa kasal.
Kaya hindi ka nag-iisa, Zsa Zsa!
***
Si Michael de Mesa na hiwalay na sa pinakasalang si Gina Alajar at meron nang bagong loves ay umalis na pala patungong Amerika.
Doon na raw magtatrabaho si Michael. Anoh?!
Ngayon pang may recession sa Amerika at nagkakahirapan sa trabaho, saka siya makikigulodoon sa iba pang Pinoy? Eh bagsak nga ang real estate doon. Sa Las Vegas daw, buy one-take one na ang mga bahay?
At ang mga artistang lumayas ng Pilipinas pati singers eh nagbalikan na dito sa Pilipinas, saka naman nagpunta roon si Michael!
Samahan ba si Nora Aunor!
***
Flashback, Flash Bomba! Kasikatan ng ama ni Michael na si Eddie Mesa, orig na Elvis Presley ng Pilipinas, nu’ng lisanin niya ang ating bansa at nagministro -- gayundin si Rosemarie Gil na nanay ni Michael.
Naghiwalay sina Eddie at Rosemarie pero eventually ay nagbalikan sila after makatikim ng ibang labs, and until now living together na sa Amerika.
Baka magpapaampon si michael sa parents niya?
Si Gina and children ay may immigrant status na raw noon at aalis na sana noon para sa Amerika manirahan.
But that was years ago, hindi na umalis si Gina and children. Tanging ‘yung bunso nila ni Michael ang nag-aaral sa Amerika at nagtatrabaho raw sa Las Vegas ngayon?
***
Hoy, mga bakla! Huwag n’yo nang pakialaman si Dra. Vicki Belo, huh! After all, gumaya lang sa style n’yo sa mga lalaki, ‘noh!
Noon pa man, alam ko nang magbabalikan sina Belo at Hayden. Hindi ba isinoli raw ni Hayden ang expensive car na iniregalo ni Belo sa kanya?
Uhum, para patunayang hindi kuwarta ni Belo ang hangad niya kundi ang pagmamahal ni Belo. Uhum, I’ve seen and read other scripts made into movies.
Nagbanta man ang mga anak ni Belo na sina Direk Quark Henares at Cristalle na sila ang lalayas sa nanay nila oras na balikan ng nanay nila ang lover nito, hindi nila maibibigay sa nanay nila ang kaligayahang naibibigay ng lover nito.
Nangyayari na may mga nanay na mas mahal ang husband kesa mga anak nila.
Katwiran ng mga nakakatanda, pwedeng gumawa ang mister ng kahit ilang anak, pero hindi na makakatagpo ng isang ulirang asawa si misis -- kaya dispensable para sa ibang ina ang mga anak.
Maaring may mga press release that Belo attended conferences abroad and incidental na nanduon din si Hayden at nagkataon din na same flight sila –oh, eh ano?! Baka wala na kasing ibang lalaki na magagayuma kay Belo o wala nang matatagpuan pa si Hayden n’yo na babaeng mas pupungay pa ang mga mata kesa kay Belo.
Vicki Belo and Hayden Kho, nagkabalikan? Who cares! Mga matinee idol ba sila?
|