MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


Basagulero ang Express?
Zaldy Perez

Unti-unti, mukhang nagiging reputasyon na ng Air 21 ang pagiging “basagulero.”
Mantakin naman ninyo sa nakalipas na dalawang araw eh, dalawang team na sa PBA ang nakakabangga. Practice game pa lamang iyan.

Ang latest, ayon sa aking source ay ang Purefoods and this time around si Kerby Raymundo at Arwind Santos ang involved.

As usual tulad ‘dun sa Talk N’ Text hindi rin natapos ang practice game at natigil sa score na 66-51 lamang ang Air 21.

Nagsimula ang gulo matapos na bigyan ng pick si Raymundo na hinabol naman ni Santos. Sa lakas ng dating ni Santos, tinamaan si Kerby na naging dahilan upang tumimbuwang siya.

Ayon sa nakasaksi, biglang tayo si Raymundo at saka binigyan ng isa si Santos, tuloy takbo ng buong tulin palabas ng Adidas Sports Camp sa The Fort. Nasaksihan ang naganap na suntukan nina Raymundo at Santos ng kararating na import ng Purefoods na si Darius Rice.

Sinabi ng aking source na kinailangang tumakbo ni Kerby dahil sa mismong bench ng Air 21 nangyari ang aksiyon. Kung hindi siya tatakbo baka ang tawag niya sa tubig eh, bubig at sa kanin ay nanin.

Kaugnay naman ng gulong nangyari sa Talk N’ Text at Air 21 nitong Miyerkules, lima ang pinpointed ng mga referees na kumana sa import ng Talk N’ Text.
Ang mga bumugbog sa import ng Phonepals na si Aaron McGhee ay sina Ranidel de Ocampo, Homer Se, Winnie Arboleda, Gary David at Nino Canaleta.

Tinaya na hindi mabibigyan ng PBA ang limang ito ng game suspension kundi maaring fine lamang.

Meron na kasing precedent ang insidenteng ito kung saan eh nag-fine sina Danny Siegel at Billy Mamaril.

Kung masususpinde kasi ang lima eh baka wala ng matira sa kanilang bench dahil may injury si David, Gabby Espino at isa pa.

S’yanga pala, naroon ang cancer victim na si Rommel Adducul sa practice ng Purefoods at makikipag-scrimmage sana kaya lang naputol ang game dahil sa pag-aaway nina Raymundo at Santos.

 

 


Microsoft Internet Explorer 7