STANDINGS W L
Harbour Centre 6 0
Pharex 5 2
Burger King 5 3
Hapee Toothpaste 5 3
Noosa Shoes 3 3
Bacchus Energy 2 5
San Mig Coffee 2 5
Toyota Otis 1 5
Nokia RP Youth 0 4
Mga laro bukas:
(The Arena, San Juan City)
2 p.m.-Harbour Centre vs Pharex
4 p.m.-Noosa Shoes vs Toyota Otis
Sa wakas ay naipakilala na rin ng UAAP Most Valuable Player na si Jervy Cruz ang sarili sa Philippine Basketball League kagabi.
Makaraan ang kawalang asim na porma sa kaagahan ng torneo, sumulpot si Cruz sa mahalagang sandali para mabalikat ang Hapee Toothpaste sa makapanindig-balahibong double overtime kontra Burger King, 85-83, sa eliminasyon ng PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.
Umiskor ang 6-5 UST star ng putback makaraan ang kabyos na 3-point shot ni Reed Juintilla sa ibabaw ng key sa nalalabing 0.2 segundo para tuldukan ang kambal na pananalasa ng Whoppers.
Tumapos si Cruz na may 11 puntos at siyam na rebounds para pantayan ng Complete Protectors ang Whoppers sa tersera sa parehas na kartadang 5-3 panalo-talo sa pagtatapos ng mga kampanya nila sa unang parte ng elims.
Naging matatag naman ang Bacchus Energy Drink sa determinadong paghahabol ng San Mig Coffee upang maitakas ang pahirapan ding panalong 63-62 at maakbayan ang Cofee Kings sa pang-anim na puwesto ng katayuan sa kapwa 2-5 karta.
|