MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  PATULOY ANG RIGODON Valenzuela isa-swap kay Salvacion
Ramil Cruz

Magpapatuloy pa ang rigodon kahit na didribol na bukas ang panapos na torneo sa ika-33 taon ng Philippine Basketball Association – Ang Fiesta Cup – sa Panabo City, Davao del Norte.

Pabaling sumalaksak si Los Angeles Lakers guard Kobe Bryant para makaiwas sa depensa nina Charlotte Bobcats forward Emeka Okafor at guard Gerald Wallace sa first quarter ng kanilang NBA basketball game sa Staples Center in Los Angeles, Miyerkules. (AP Photo)

Pagkaraan ng four-team blockbuster trade kamakalawa na tinampukan nang pagpadpad ni Jose Enrico Villanueva sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs at Jean Marc Pingris, Jr. sa Magnolia Fruit Drinks, sangkot pa rin ang Barangay Ginebra San Miguel sa susunod na player swapping.

Isang reliable source ng Abante TONITE ang nagsiwalat kagabi na done deal na rin ang paglipat ni Junthy Valenzuela sa Ginebra mula Red Bull kung saan ang kapalitan niya ay si Sunday Salvacion.

Idinagdag ng impormante, na sasalang pa nang tig-isa bilang farewell game nila ang dalawang player sa pagsasalpukan ng Ginebra at Red Bull sa Linggo, Marso 30 sa Araneta Coliseum sa Quezon City bago isagawa ang trade.

Walang sagot si Red Bull board representative at team manager Antonio Chua, ang kasalukuyan ding chairman ng PBA board of governors, habang ‘di na nagkomento si head coach Joseller Guiao nang kunin ng pahayagang ito ang reaksyon niya sa pamamagitan ng text message.

Sinubukan ding kunan ng reaksyon sina Ginebra manager Avelino Lim at coach Joseph Uichico subalit kagaya ng dati ay ‘di ito sumagot sa teks.

Nasangkot din ang Gin Kings sa paggalaw nina Villanueva at Pingris pati ang Coca-Cola kung saan nakulyar nito sa Coke si Willie Wilson sa pag-release kay Mark Macapagal.

Unang naganap na palitan sa taong ito ang paglipat nina Beverage Masters Lewis Alfred Tenorio at Larry Fonacier noong Miyerkules Santo patungong Alaska Milk na pinakawalan sina Mike Cortez at Ken Bono.

Kung matuloy ang 6-3 guard-forward na si Valenzuela sa Kings, mahihinto na ang pangangantyaw sa kanya sa pagsigaw ng Diego (Llorica na komedyante sa isang ng TV sitcom) ng Kings fanatics dahil sa pagtungo niya sa crowd-drawer ballclub.

Magiging pangalawang koponan pa lang ng 6-foot-3 shooter sa walong taong pro career ang Ginebra matapos magsuot ng Red Bull jersey sa pag-akyat ng team sa liga sapul noong 2000.

Gayundin sa 6-3 guard-forward na si Salvacion buhat nang mag-pro noong 2003.
Samantala, ‘di muna masasaksihan sa nalalapit na torneo ng liga si Romel; Adducul ng P’foods matapos masuring may kanser sa mukha. Sumasailalim na siya sa gamutan.

 

 


Microsoft Internet Explorer 7