MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Pleasant surprise para sa OFWs
CHINGBEE


Siguradong maraming overseas Filipino workers (OFWs) na nagbalik-trabaho mula sa Holy Week break sa Pilipinas ang nagulat pagdating nila sa ating mga airport. Ito’y dahil sinimulan noong Lunes ang bagong patakaran na ang mga OFW ay hindi na kailangang dumaan pa sa labor assistance centers (LACs) sa airports para makakuha ng travel at terminal fees exemption.

Ngunit hindi po binuwag ang mga LAC sa ating mga airport dahil sa bagong patakaran na ipinag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang ginawa’y pinagko-concentrate na lang ang mga LAC sa pagtulong sa mga OFW na mayroong documentation problems.

Sa ilalim ng patakaran ay direkta nang ipipresenta ng mga papaalis na OFW ang kanilang exit clearance at employment certificates na inisyu ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa airline counters at immigration desks sa airports.

Red tape

Pabor ang Usapan dahil bawas red tape iyan at mapi-free up din ang mga empleyado ng LAC para makatutok sa mga OFW na talagang nangangailangan ng kanilang assistance.

Magandang panimula iyan at sana’y isunod na ang marami pang sanhi ng red tape sa mismong processing ng dokumento sa turf ni Administrator Rosalinda Baldoz sa POEA.

Mawala na rin sana ang samu’t saring raket at pala­kasan system, gayundin ang mala-sindikatong ope­rasyon at pagsasabwatan ng ilang recruiter at medi­cal clinics na nag-iisyu ng medical clearance sa mga OFW.

Kapag nangyari iyan ay malaking tinik ang mabubunot mula sa lala­munan ng mga OFW at magreresulta iyan sa pagdami pa ng ating maide-deploy.

Sawsaw

Nagpa-press release ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tutulong daw ito sa pagbibigay ng murang training program para sa mga Pinoy seamen para maging qualified na deck at marine officers.

Hindi lang affordability ng naturang programa ang isyu diyan kundi ang kali­dad ng training program. Baka naman kasi sa diploma mills na training centers maipabalikat ang program kung kaya useless din.

Isa pa, bago makisawsaw ang OWWA sa trai­ning o re-training ng mga seamen, ang dapat nitong atupagin ay ang napapabayaan nitong pagbibigay ng assistance sa mga OFW at kanilang mga pamilya.

Unahin ninyo ang repatriation ng mga abandoned at runaway OFWs bago po kayo mag-isip ng ganyang training program para sa mga Pinoy seamen.

Kababaihang OFWs

Mas marami pa ring kababaihan sa Pilipinas ang nangingibang-bansa ba­tay sa comparative data ng POEA para sa new hires. Maraming konklus­yon ang maaaring marating kaugnay niyan na mangangailangan ng masusing pag-aaral mula sa mga eksperto.

Siyempre pa, karamihan sa mga babaeng OFWs ay ina ng tahanan o kaya’y anak na babae na siyang kumaka­yod para sa pamilya.

Tingnan po ninyo ang deployment natin by gender sa paglipas ng panahon:

Lalake Babae
1993 115,902 140,325
1997 97,058 123,509
2001 72,186 186,018
2003 66,401 166,325
2006 123,668 179,005

Tuloy ang serbisyo

Ang Usapang OFW ay pwede ninyong ma-reach sa telephone number na 551-5164, padalhan ng email sa usapang ofw@yahoo.com o itext sa 09292067318 para sa inyong mga katanungan at komentaryo.

 

Microsoft Internet Explorer 7