MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Broadband scam may bagong testigo
Rey Marfil
 

Bagama’t napipintong maudlot ang pagpapatuloy ng broadband hearing sa Senado, kinumpirma ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pagkakaroon ng panibagong testigo para ibunyag ang nalalaman sa suhulan at over pricing sa kontrata.

Ayon kay Lacson, marami ang handang tumestigo at humarap sa broadband probe subalit tumanggi itong tukuyin kung sino ang bagong testigong ipinagmamalaki.

Kasabay ang pagkumpirma ni Lacson sa panibagong testigo, inilutang ni Sen. Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate blue ribbon committee, ang kahandaang humarap sa broadband probe ng isa pang binansagang ‘Greedy Group’ at itinuturong ‘bagman’ ni First Gentleman Mike Arroyo, sa katuhan ni Ruben Reyes.

Katulad ng nangyari kay Cable guy Leo San Miguel, tinaguriang 4th witness sa broadband hearing, ito’y nasabat ng Malacañang ilang oras bago humarap sa imbestigasyon, gamit ang mga galamay sa Senado.

“Alam mo hindi naman nawawala ‘yung mga gustong magsalita, napakaraming lang nilang mga apprehension, napakara­ming nilang kaba sa dibdib nila, pero napakara­ming gustong magsabi ng tungkol sa katiwalian at marami na ring namulat tungkol dito kasi talaga namang sobra na ang katiwalian sa administrasyong ito,” ani Lacson.

 

Microsoft Internet Explorer 7