MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Cory pinaaagwat sa rally
Rey Marfil
 

Sa hangaring mapabilis ang recovery ni da­ting Pangu­long Corazon Aquino, nanawagan si Sen. Francis “Chiz” Escudero III sa mga kasamahang nanawagan ng pagbibitiw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pagbawalan itong dumalo sa mga rally at demonstrasyon.

Kung si Escudero ang masusunod, mas makakabuting tantanan ng mga kasamahan sa anti-Gloria forces si Mrs. Aquino at pagbawalang dumalo sa anumang demonstrasyon dahil maaaring makaapek­to ito sa kalusugan ng maysakit na dating Pangulo.

Kahit absent sa mass celebration at pagha­hanap ng katotohanan ni dating Philippine Forest Corporation (Philforest) President Rodolfo “Jun” Lozada Jr., maging sa pagmartsa ng oposisyon sa kalsada, mananatiling simbolo si Mrs. Aquino ng pagkakaisa, ayon kay Escudero.

“Nandoroon man siya o wala habang hinaharap niya ang hamon tungkol sa kanyang kalusugan mananatili siyang simbolo ng oposisyon at hindi pwedeng maikaila ‘yon, simbolo ng malinis na pamamahala, simbolo kung ano ang dapat ginagawa ng president at kung ano ang dapat na iwasang mga bagay-bagay,” ani Escudero.

Bagama’t napakaimportante ng presensya ni Mrs. Aquino sa malalaking rally, nais lamang ni Escudero na protektahan ang kalusugan ng ina ni Sen. Noynoy Aquino III.

“Hindi maikakaila na hihina talaga ang oposiyon pero dapat intindihin ng oposisyon, ng kilusan at ng sambayanan ang kalagayan ng dating Pangulong Aquino at sana ay huwag na siyang mahiling pa na siya ay makita at maging present sa mga pagkilos na isasagawa sa mga darating na mga araw,” ani Escudero.

Si Mrs. Aquino ay kailangang sumailalim sa serye ng chemotherapy dahil sa sakit na colon cancer kaya nangangailangan ito ng mahabang pahinga.

 

Microsoft Internet Explorer 7