MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Pagkalantari sa staff, nabuking;
Usec, hiniwalayan ni esmi
Rey Marfil

Kabaliktaran sa kuwento ng pelikulang ‘Charlie’s Angel’ kung saan mission accomplished ang lahat ng target, sabit ang pag-astang Charlie ng isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang kapag pumapasok ng opisina matapos ipahamak ng sari­ling kalokohan nito.

Ang rason, napabilang sa mga dumara­ming kaso ng ‘broken family’ ang estado ni Undersecretary (Usec) matapos hiwalayan ng kanyang misis, kasunod ang pagkakadiskubreng kinakalantari ng kumag ang mga inarkilang staff, sa pangunguna ng dalawang seksi at tsinitang bebot nagsisilbing alalay kahit saang lupalop ng Pilipinas mapadpad.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mara­ming atraso ng pambababae si Palace Boy, katulad ang pagkahilig tumambay sa mga night club kung saan lalo pang nadagdagan ang sama ng loob ng kanyang misis matapos madiskubreng pinag-iinteresan ng opisyal ang magagandang staff.

Matindi ang ‘obsession’ ni Usec sa pelikulang “Charlie’s Angel” kung kaya’t umarkila ng dalawang seksing staff, kalakip ang ambisyong maging “Charlie” ng Malacañang sa harap ng media at kaopisina.

Bagama’t na-George Bocobo, as in nabisto ng kanyang misis, hindi pa rin tumitigil si Undersecretary sa nakagisnang estilo tuwing papasok ng opisina kung saan awtomatikong nakabuntot ang dalawang tsinitang staff at katabi ng kumag sa back seat o likuran ng kanyang driver ang mga bebot hanggang makarating ng Malacañang.

Katulad ng kasabihang ‘walang bahong naitatago’, nakarating sa kaalaman ng misis ang kakaibang trip kapag pumapasok sa opisina kaya’t kaagad kinompronta at binalikan ang iba pang pagtataksil sa kanilang pagsasama na humantong sa hiwalayan.

Clue: Isang neverheard official si Undersecretary at na-appoint lamang dahil katropa ang isa sa kapamilya ni Mrs. Arroyo kung saan napakahilig tumambay ng night club at nagawa pang ipa-reimburse ang ginastos sa pagna-night out, kasama ang mga dating kaopisina. Ito’y meron letrang “M” sa pangalan, as in Matakaw sa foreign trip kaya’t nabansang ‘Boy Tsibog’ ng Malacañang.

 

Microsoft Internet Explorer 7