Kung ang text message sa akin ni Sunshine Cruz ang pagbabasehan, mukhang hindi pa sila tuluyang nagkakabalikan ng mister niyang si Cesar Montano.
Pero mukhang okey silang dalawa.
Sabi kasi ni Sunshine sa kanyang text message sa akin, nanunuyo pa rin sa kanya si Cesar at naa-appreciate niya ang pag-e-effort ng kanyang mister.
Halos araw-araw raw kung padalhan siya ng roses ni Cesar. Kung minsan daw, hindi lang isang dosenang roses ang ipinadadala sa kanya ni Cesar.
“Hindi rin siya nakakalimot sa kids coz he really loves them dearly na ikinatutuwa ko,” text pa ni Sunshine.
Ibinalita rin ni Sunshine na nag-graduate kamakailan ang dalawa nilang anak at magkakasama silang buong pamilya na nag-dinner sa kanilang Italian restaurant (Bellissimo).
Samantala, heto ang text message ni Sunshine tungkol sa pagpasok sa Star Magic ng ABS-CBN 2 ni Marianna del Rio, ang Brazilian girl na na-link kay Cesar:
“Good for her. In the first place, hindi siya ang reason for anything that has happened. I don’t really understand kung bakit kini-claim ng iba na siya ang dahilan.
“Marami nang ibang na-link kay Buboy but I never made such a drastic move. Whatever issues meron sa pamilya ko, kaming dalawa lang ni Buboy ang makakaayos.
“Masaya ako for her (Marianna) dahil gusto niyang maging artista at natupad ang dream niya,” text pa ni Sunshine sa akin.
***
Bukas na ang 21st anniversary in showbiz show ko sa Zirkoh Timog entitled Shine!
Kasama sa show na ito sina Yasmien Kurdi, Faith Cuneta, Showboys, Sam Concepcion, Snooky Serna, Dr. Manny Calayan, Wally Bayola at introducing sina Stephanie Luy at Kimberly Cerafica.
Si Stephanie ay anak ng kaibigan kong si Lilibeth Luy ng Los Angeles, California at nagsama sa akin sa Las Vegas, Nevada para sa Pacquiao-Marquez boxing fight.
Nadiskubre ko si Stephanie nang iparinig sa akin ni Lili ang recorded song ng kanyang anak.
Magaling kumanta si Stephanie, kaya isinali ko siya sa show ko sa Zirkoh Timog bukas.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com