MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Nakabuka ang ‘flower’
Allan Diones
 

Ngayong tanghali ang press launch ng Pinoy Idol ng GMA. Matapos ang series of auditions na ginanap sa Mega Manila, Cebu, Davao, Dagupan, Cagayan de Oro, Batangas, Iloilo at Clark ay 178 Idol hopefuls ang napili ng mga hurado.

Ang mga ito ang magtatagisan ng galing para makapasok sa Top 12. Bukod sa mga undisco­vered singing talents mula sa iba’t ibang lupalop ng bansa, kaabang-abang din kung may mga naka­tutuwa at nakababaliw na karakter na nag-audition sa Pinoy Idol.

Meron kayang Pinoy counterparts ang Ame­rican Idol ‘rejects’ na sina William Hung (ng AI season 3) at Ronaldo Lapuz (ng AI season 7) o ang nakalolokang si Va­lentina Hasan na walang takot na nag-audition sa season 2 ng Music Idol (Bulgaria)?

Si Valentina ang nagpasikat ng ngayon ay ‘classic’ nang Ken Lee, ang kakatwang broken English version ng Mariah Carey hit na Without You.

Mabilis na naging YouTube hit ang ‘Ken Lee’ video ng hitad.

Sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at Wyngard Tracy ang judges ng Pinoy Idol na ihu-host ni Raymond Gutierrez. Sa Abril 5 (Sabado) ang premiere nito sa Kapuso network.

***

Tinext namin kahapon ang isang actor-TV host para hingan ng reaksyon hinggil sa malalaswang larawan ng kanyang na­kababatang kapatid na babae na kumakalat nga­yon sa internet.

Hindi namin sure kung nagpalit na ng celfone number ang actor-TV host o sadyang hindi niya sinagot ang text namin dahil alam na niya kung anong itatanong namin.

Grabe ang nasabing nude photos na nai-forward sa amin kamakalawa via email.
Hindi artista ang sister ng actor-TV host at hindi kami ganu’n kapamilyar sa itsura niya kaya hindi kami sigurado kung siya nga ‘yung hubad na babae sa series of scandalous pictures na ipinadala sa amin.

Kung totoong siya ‘yon ay alam niyang kinukunan siya dahil super-pose pa siya at buong ningning niyang ipi­nagbuyangyangan ang kanyang hiyas.

Hindi namin kinaya ‘yung close-up shots ng nakabukang ‘flower’ ng naturang girl na sina­sabing kapatid ng actor-TV host.

Galing sa isang kila­lang pamilya sa showbiz ang babaeng tampok sa shocking pictorial.

Bukod sa kuya niyang actor-TV host ay kila­lang character actor ang kanyang ama at meron siyang mga pinsan, tiyahin at tiyuhin na pawang nasa showbiz din.

Kahapon ay nakausap namin ang isang premyadong aktres na may kaugnayan sa na­sabing showbiz family at nagulat siya nang banggitin namin ang tungkol sa nude photos.

Wala ring alam ang aktres tungkol doon at ipinagtataka niya kung bakit kailangang maging ‘biktima’ ng ganu’ng kontrobersya ang nasabing dalaga gayong hindi ito nag-aartista.

 

Microsoft Internet Explorer 7