MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Huwag ka munang magpatule, Makisig!
Alfie Lorenzo
 

True to life ang ang Marrying A Beggar (not a Millionaire dahil mistula itong pulubi sa ratings, 10% ano ‘yun, komisyon?).

O baka naman predictable ang istorya nito, nakita na ng fans happening around their idols at na-experience na rin ng stars concerned na sila ang tinutukoy sa takbo ng istorya nito.

Making me sit in deep thoughts na totoo kayang ito ang orig na istorya nito in Korea o inimbento na naman ng mga nagmamagaling?

Ang istorya nito sounds pamilyar. Nari­nig ko without looking minsan na may nagsasa­lita sa novela na ‘yun na, “Magkunwari kayong mag-on na at bibildapin naming kayo as loveteam,” or “Maghiwalay muna kayo at huwag ipapahalata sa publiko na kayo ang mag-on, masisira ang loveteam n’yo ng kalabtim mo,” or “Gagawin namin ang lahat para mapasikat ka,” sort of moving heaven and hell -- which is the current predicament ng starmakers na hindi naman sa bakuran ng Magic Kingdom.

Has anyone honestly and trulily claimed na may napasikat na sila nang husto sa Magic Kingdom?

Constant exposure is not the formula to build a star – yes, pwede for 15 minutes of fame for a star who would only last for 3 to 6 months, pwede, pwedeng-pwede.
Pero paano mababawi ang puhunan sa produktong ni hindi pa man lang tumutubo eh wala na sa market?

Ay sus, ginuo! When will they ever learn?

***

Ay, utang na loob! Huwag muna, Makisig!

Huwag mo silang pa­kinggan! Huwag kang makinig sa mga nagsusulsol sa iyo at baka pagsisihan mo ‘yan!

Ang dami mo pa namang mga kapatid na umaasa yata sa iyo.
Please lang, a little sacrifice muna for your family, ha, apo!
Huwag ka munang magpapatule, Makisig!

Pag nagpatule ka, big­la kang lalaki (ay, of course, lalaki ka, apo ko!), what I mean is, you will suddenly grow up, you’ll gain height, lalo na sa asta mo na mukhang tatangkad ka nang husto gawa ng thin bones mo.

You very well know you’re a popular child actor. What if bigla kang tumaas, makukunsidera ka pa bang child -- kundi isa nang binatilyo?

Hayun, bigla nang magda-drop ang career mo dahil you will enter the age na alanga­ning bata, alanganing binata. Mawawalan ka ng offers.

And since you’re a popular child actor -- laos ka na paglaki mo!

Andyan ang li­ving proof, Makisig. Sikat na child actor si Patrick Garcia who won a best actor award in his youth. Hayan at pagka-girlfriend niya, mas sikat pa siya bilang casino-goer at nambuntis kesa may ginagawa ba siyang TV show o pelikula?

Listen! If you don’t, bahala ka sa buhay mo! Tutal, may poodle naman ang apo kong si John-John Maed after you!

***

Let me make it clear among fellow writers na hindi si Dennis Trillo na kapareha ni Juday sa Kulam ng Regal Films ang dahilan ng delay sa shooting kundi ang batang si Sharlene San Pedro gawa ng tapings niya noon for Princess Sarah.
Si Sarah ang sumira ng maayos na schedules ni Juday sa kalendaryo niya.

May allergy man siya o wala, Juday never packed up the shooting. Ang ikinaiinis namin sa production head ni Mother Lily ay ‘yung late na anunsyo na pack-up ang shooting gayung had they announced it earlier, pwedeng naibigay ni Juday ang di nagamit na iskedyul sa iba pa niyang commitments.

Oo nga at aalis na patungong abroad si Dennis to shoot a movie repla­cing Gabby Concepcion -- pero kaya hindi natapos ang Kulam sa six days na dapat itong matapos ay one week nagkaroon ng rashes si Juday at pula-pulang marka sa mukha kaya hindi nakapag-shoot gawa ng pesteng prosthetics na ginawa sa mukha ni Juday para papangitin siya.

So, klaro na, hindi si Dennis Trillo ang dahilan ng delayed wrap-up ng Kulam, huh!

***

I find it stupid on the part ng mga hindi naman mga baguhang reporters para patulan ang pamosong linyang gamit at gi­namit na ng ilang mga starlet na hindi naman nagsipagsikat.

Sukat ba namang patu­lan ang kiyeme ng mga gustong sumikat na itong si TH starlet eh kilig na kilig daw kina Sam at Piolo notwithstanding Lolit Solis, huh!
Ang babaw nila, huh! Eh ultimong si Lolit Solis nga, kinikilig sa da­lawa kaya excited sa ‘nakita’ niya at naipag­yabang hanggang sa korte, huh!

Eh ‘yang mga TH starlet na ‘yan na palaging bukambibig na gusto kung sinong sikat eh milagro namang hindi pinapatulan ng mga sikat at never na naipapartner sa kanila!

Kung big star ka ba and has a popularity of your own, kakapit ka ba sa brief ni Piolo at sasabihing crush mo siya at dream na makatambal?

I told you time and again, sinabi na ‘yan at ginamit ng mga hindi sumikat kina Aga at Goma. Rehashed na lang ‘yang ganyang programa, ‘noh!

Notwithstanding the libel suit against Lolit, what is the side of Sam and Piolo doing para mapatay ang malisyang kumakalat?

Bakit ayaw paghiwalayin sina Sam at Piolo sa kuwadro? Manood tuwing Linggo at sa dinami-rami ng boys doon eh pilit na sina Sam at Piolo ang pinagtatabi pa mandin pag sila ang nag-iinterbyu.

Dahil ba sa negosyo kaya ang dalawa pa rin ang dinadala abroad para kantahan ang iba? Ang titigas ng mga ulo nila, ha!

Wow, pare, ang sarap n’yo, ha!

 

Microsoft Internet Explorer 7