MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Hubad na pag-ibig sa ‘Bubble Gang’
JDO
 

Sa telefantasyang Joaquin Bordado ng GMA 7, susubukan ni Russo (Eddie Garcia) ang kanyang kapangyarihan.

Isang kotse ang kanyang patataubin, at muntik nang mabunggo nito ang anak ni Joaquin (Robin Padilla) na si Jimboy.

***

Hitik na hitik pa rin sa katatawanan ang Bubble Gang ngayong gabi sa GMA 7.
Nariyan ang GRADUATION GAGS, kung saan halu-halong emosyon ang makikita.
Sa GRADUATION HELL, gaganap si Bitoy bilang devil counterpart ni San Pedro.

Kabilang sa mga spoof ng patalastas ang BLDT Suko Pa (spoof ng PLDT commercial), FOND Carla Grasa (spoof ng Pond’s commercial), LADIES’ JOYS Isipin Mo Na Lang (spoof ng Ladies’ Choice commercial), LQ DRY (spoof ng EQ Dry commercial), at DINGO Eyeball (spoof ng Bingo commercial).

Sa HUBAD NA PAG-IBIG, nagselos ang isang misis (Diana Zubiri) sa nude picture niya na kinahuhumalingan ng kanyang asawa (Ogie Alcasid).

Sa PAMILYA TITULADO, ang mga miyembro ay hindi tinatawag sa kanilang pangalan kundi sa kani-kanyang titulo.

Sa ANG MGA BOSES, duda ang dentista at pas­yente sa isa’t isa.

Sa ANG REKLAMO, nagreklamo ang isang lalaki (Bitoy) sa isang pulis (Ogie).
Sa POOR FACTOR, may bagong hamon kina Don Herminio, Don Miguel at  Maura… Total Make Over!

 

Microsoft Internet Explorer 7