Natanggal na si Chikezie (22 y/o, taga-Inglewood, California) sa American Idol.
Ang dalawa pang pinakakonti ang boto ay sina Jason Castro at Syesha Mercado.
Opo! Kasama sa top 10 ang dugong-Pinoy na si Ramiele Malubay!
***
Matapos ang halos 19 na taon ng pagiging mag-asawa, magdidiborsyo si Robin Williams at ang dugong-Pinoy na si Marsha Garces Williams.
Nagpetisyon si Marsha para sa “dissolution of marriage” noong Marso 21 sa San Francisco Superior Court.
“Irreconcilable differences” ang idinahilan ni Marsha.
Nagkakilala ang dalawa nang maging yaya si Marsha sa anak ni Robin na si Zachary (sa dating asawang si Valerie Valardi).
May dalawang anak sina Robin at Marsha, sina Zelda at Cody.
Ang 56-anyos na si Robin ay nagwagi ng Academy Award para sa pelikulang Good Will Hunting.
Ang report na ito ay hinalaw sa AP.
***
Onse anyos ang Brazilian na si Marianna del Rio nang magsimula siyang maging modelo.
Natutunan ni Marianna na mahalin ang trabaho dahil nakalilibot siya sa iba’t ibang bansa.
Katorse siya nang unang mapawalay sa kanyang pamilya.
Noong isang taon dumalaw sa Pilipinas si Marianna para bisitahin ang kanyang lola.
Na-in love agad siya sa Cebu.
Nanirahan siya sa Maynila upang magkaroon ng career dito.
Natsismis siya kay Cesar Montano, at kapagkuwan ay kay Sam Milby.
Abala si Marianna sa kanyang Tagalog lessons. Gusto niyang makatrabaho ang kanyang crush na si Piolo Pascual.
Bilang pag-welcome ng ABS-CBN Star Magic, nagkaroon ng Full Circle production number si Marianna sa ASAP 08.
Mapapanood si Marianna sa Komiks series na Kapitan Boom kasama sina Jon Avila, Maja Salvador at Jay-R Siaboc.
Disisyete na si Marianna noong Marso 14.
***
Walo ang kalahok sa Search for Mr. Mega Man 2008 bukas (Sabado) nang gabi sa Lips Bar, 152 Aurora Blvd., San Juan, MM.
Bukod sa walo ay may lima pang lalaking magpa-fashion show.
Ang producer ng palabas na ito ay ang photographer na si Edwin ‘Igi’ Tan (cell# 0928-670-2888).
Labinlima naman ang kalahok sa G. San Juan 2008 sa Linggo (Marso 30) nang 8:00 PM sa Lips Bar pa rin.
Ayon sa producer na si Jun Noya (cell# 0920-630-1038), P300 ang halaga ng tiket.