Sa Hulyo gaganapin ang inaabangang fashion event ng Bench sa Araneta Coliseum (na isinasagawa
every two years).
Nang huli naming makausap ang Bench architect na si Miguel Pastor, nabanggit niyang hindi pa sure kung anong petsa sa Hulyo ang Bench underwear and denim show sa Big Dome.
Inaayos pa nila ito dahil sa Hulyo rin magaganap ang inaabangang concert sa ‘Pinas ng international superstar na si Madonna at iiwasan nilang makasabay ang show nito.
Ang MTV Philippines ang magdadala kay Madonna sa ‘Pinas. Pina-finalize pa kung sa The Fort o sa MOA (Mall of Asia) ang magiging venue ng concert ni Madz.
Wala pa ring titulo ang Bench show this year. Ayon kay Miguel, ang magaganap sa Hulyo ay isang ‘celebration of the Filipino artistry’ kaya dadalhin nila sa next level ang nasabing celebrity fashion show.
Sa halip na the usual designers, this time ay isu-showcase ng Bench ang kahusayan ng Pinoy artists sa larangan ng photography, visual arts, graphic design, atbp.
Masasabing mas ‘artistic’ ang magaganap na show sa taong ito, pero sisiguraduhin ng Bench na maa-appreciate pa rin ito ng masa.
Dagdag pa ni Miguel, maging sa ibang bansa ay ang kani-kanyang kultura at artistry ang itinatampok sa malalaking clothing stores lalo na sa Europa, kaya dapat lang na gawin din natin ito.
Nais ng Bench na after nating mapanood ang nasabing fashion show ay lalo tayong maging proud to be a Filipino.
Isa sa mga celebrity headliners sa Big Dome sa Hulyo ay ang bagong endorser ng Bench Body na si Dingdong Dantes na inaabangan ang pagrampa in his sexy underwear.
Ang unang Bench underwear and denim show ay ginanap sa Mars disco sa Makati nu’ng 1998. Sinundan ito ng Brief Encounters nu’ng Agosto 3 & 17 sa World Trade Center, Roxas Blvd.
Ang mga sumunod dito ay panay sa Araneta Coliseum na ginanap: One Night Only nu’ng Hunyo 14, 2002; Understatement nu’ng Agosto 18, 2004; at Bench Fever nu’ng Hunyo 30, 2006.