MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Tukuyin ang salarin
Tonite Editorial


Mahigit isang linggo na ang nakararaan matapos tambangan ang Acting Director ng Legal Department ng Commission on Elections (Comelec) na si Wynne Asdala sa Intramuros, Maynila.

Si Director Asdala ang pumalit sa pinaslang ding si Alioden Dalaig, apat na buwan na ang nakakaraan.

Kagaya ni Director Dalaig, wala pa ring linaw ang kaso ni Asdala dahil wala pang lead ang Philippine National Police (PNP) kung sino ang responsable sa pagtumba sa dalawang opisyal ng Comelec.

Bagama’t wala pang maestabilisang motibo ng pagpaslang ang kapulisan, iniuugnay na ang sensitibong posisyon ng dalawang opisyal sa Comelec na siyang dahilan ng kanilang pagkamatay.

Sabagay marami talagang sensitibong kasong hawak ang dalawang opisyal ng Comelec, pero hindi ito rason para kitlin ang kanilang buhay dahil tumutupad lamang sila sa kanilang tungkulin.

Dahil sa sinapit ng dalawang Comelec officials, dapat kumilos na ang kapulisan at tutukan ang kaso nang sa gayun ay matukoy kung sino ang responsable sa krimen.

Maikukunsiderang malaking kaso ang dalawang ito kaya’t dapat resolbahin at hindi ibi­nabaon sa limot dahil kung babalewalain ito ng kapulisan ay higit na lalakas ang loob ng mga salarin at magpapatuloy sa kanilang masamang balakin sa mga taong gobyerno.

 

Microsoft Internet Explorer 7