MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Dinukot na principal, pinalaya ng Sayyaf
Al Jacinto
 

SULU --- Pinalaya na ng Abu Sayyaf ang isang principal ng Notre Dame University na dinukot sa lalawigan ng Tawi-Tawi matapos ang halos dalawang buwan na pagkaka­bihag.

Pinakawalan ang biktimang si Omar Taup sa ba­yan ng Bonggao sa natu­rang lalawigan noon pang Marso 18 ngunit ngayon lamang inanunsyo ng pulis­ya sa hindi pa malamang kadahilanan.

Dinukot si Taup noong Enero 16 matapos na pasukin ng Abu Sayyaf ang Notre Dame University at pinatay ang paring si Fr. Reynaldo Roda matapos itong manlaban.

Hindi naman sinabi ng pulisya kung nagbayad ng ransom ang pamilya ni Taup, subali’t naunang humingi ng isang milyong piso ang mga kidnappers kapalit ng buhay ng biktima.

May sakit umano si Taup at kasalukuyang nasa pagamutan sa Zamboanga City.
Hawak rin ng isang pang grupo ng Abu Sayyaf ang negosyanteng si Rosalie Lao, 45, na tinangay naman noong Enero 8 sa labas ng kanyang bahay sa Jolo, Sulu.

 

Microsoft Internet Explorer 7