MARCH 28, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Tumalon sa hinoldap na dyip, bebot kritikal
Aries Cano
 

Upang maprotektahan marahil ang bitbit na gamit na ilang dipa lamang ay nakaambang kalawitin umano ng dalawang holdaper na sumalakay sa isang pampasaherong dyip, nalagay naman sa matinding peligro ang buhay ng isang matandang babae matapos itong gumulong sa daan at bumalandra ang ulo sa semento nang lumundag para matakasan sana ang mga kawatan sa Maynila kahapon ng umaga.

Walang malay-tao ng isugod umano sa Lourdes Hospital ang biktimang si Elena Batan, tinatayang nasa 50 ang edad, nakasuot ng kulay orange na blouse at itim na pantalon.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 8, dakong alas-5:25 ng umaga kahapon ng mangyari ang insidente.

Ayon sa ilang saksi, sumakay umano ng dyip (may plakang DFU-880) ang biktima sa panulukan ng Teresa St., at Old Sta Mesa St., Sta. Mesa, Maynila.

Pagsapit naman sa V. Mapa St., ay sumakay naman umano ang dalawang suspek at nang makakuha ng tiyempo ay nagdeklara ng holdap pagdating ng dyip sa P. Sanchez St., Sta. Mesa, Maynila.

Nabulabog ang mga suspek nang lumundag mula sa dyip ang biktima kaya mabilis na nagkanya-kanyang takbuhan ang mga ito.

 

Microsoft Internet Explorer 7