Nilimas na ang mahahalagang kagamitan, pinarausan pa ng isang holdaper ang dalagang tinutukan ng patalim sa leeg, pinaupo sa madilim na bahagi ng isang car park at saka ipinasubo ang kanyang ari kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Naaresto sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Leopoldo Pamitan, 23, binata at residente ng 73 Minahan St., Malanday, Marikina samantalang sadyang hindi na pinangalanan ang 22-anyos na dalagang nakatira rin sa nasabing lungsod.
Naganap umano ang insidente dakong alas-5:20 kahapon ng madaling-araw kung saan bigla na lamang dinikitan ng suspek ang biktima habang naglalakad ito sa kahabaan ng Shoe Avenue, Bgy. Sto. Domingo.
Hindi nakapanlaban ang biktima dahil sa takot na itusok ng suspek sa kanyang leeg ang nakatutok na patalim kaya malayang nagawa ni Pamitan ang kalapastanganan.
Pero agad nagsuplong sa pulisya ang biktima matapos ang insidente.
|