MARCH 27, 2013 WEDNESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
March 26, 2013
As of 2:30 pm
U. States 40.9588
Bahrain Dinar 108.652
Can Dollar 40.1481
Euro 52.7330
Aus Dollar 42.8688
HK Dollar 5.27749
Japan Yen 0.434845
Saudi Riyal 10.9218
S’pore Dollar 33.0143
Taiwan Dollar 1.37248
UAE Dirham 11.1513
UK Pound 62.2494
 
Custom Search
Isko, bilib sa kabaitan ni Erap
JUN LALIN

 

MALAPIT si Isabelle Daza sa pamilya Gutierrez.

Close ang anak ni Gloria Diaz sa mga anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama lalo na kay Raymond Gutierrez.

Madalas ding nakakasama ni Ruffa sa mga event si Isabelle at aminado ang TV host/actress na bet niya na maging Bb. Pilipinas si Isabelle.

Sa ganda ni Isabelle, sana ay pumayag ito na sundan ang mga yapak ng ina na unang Pinay na naging Miss Universe (1969).

Hindi lang si Ruffa ang nagsasabi na dapat ay pasukin na rin ni Isabelle ang mundo na unang nagpasikat sa inang si Gloria kundi ang mga kakilala at fans niya.

Nang magsuot ng crown sa isang costume party si Isabelle at mukhang beauty queen na beauty queen ang dating niya ay marami ang nagkomentong dapat na siyang sumali sa Bb. Pilipinas. Kung hindi niya susubukan 'yon ay baka pagsisihan niya balang araw.

Hindi man subukan sa ngayon ni Isabelle ang maging beauty pageant contestant, sinubukan niya ang isa pang mundo ng kanyang ina at 'yon ay ang pag-aartista.

Sa Sabado ang opening day ng unang movie ni Isabelle, ang It Takes A Man and A Woman na pinagbibidahan nina John lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Paminsan-minsan ay umaarte rin si Isabelle sa ilang teleserye ng GMA 7 gaya nang mag-guest siya sa Indio.

Ang regular na ginagawa ngayon ni Isabelle ay ang pagho-host at kasama siya sa Taste Buddies (GMA News TV tuwing Sabado, kasama niya si Solenn Heussaff), Eat Bulaga at Party Pilipinas.

***

Kahit sinasabing napakalakas ni Manila Vice Mayor Isko Moreno, raratsada pa rin siya sa pangangampanya once na mag-start na ang campaign period sa local posts.

Simula sa weekend ay araw-araw nang mangangampanya si Vice Isko kasama ang kanyang mayoralty bet na si former Pres. Joesph "Erap" Estrada.

Nagkakasama na sina Vice Isko at Erap sa mga barangayan at hanga ang una sa lakas ng huli sa masa at pati na rin sa upper at middle class na mga tao dahil love na love ng mga ito ang dating presidente.

Hanga rin si Vice Isko sa ugali ng dating presidente dahil ganoon na lang kung ipagmalaki ni Erap na siya ang ka-tandem nito sa Maynila.

At ngayong madalas nga silang magkasama dahil malapit nang magsimula ang kampanya ay lalong napapatunayan ni Vice Isko kung ganoon kabait ni Erap.

Hindi lang si Vice Isko ang inaasikaso ni Erap kapag magkasama sila kundi ang lahat ng mga taong kasama sa kanilang entourage.

Pati sa pagkain ay maasikaso si Erap dahil sinisiguro muna nito na nakakain na ang lahat bago kumain.

"Napakabait na tao ni Erap, kaya hindi nakakapagtaka na mahal siya ng lahat," sey ni Vice Isko.

Oo nga pala, natutuwa si Vice Isko na maraming mga taga-showbiz ang nagpapakita ng suporta sa kanila ni Erap at nangangako na tutulong sa kanilang kampanya once na mag-start na ang kampanya para sa local posts.

May mga artista at managers na hindi man nilalapitan ni Vice Isko ay tumatawag sa kanya para sabihing willing silang ma­ngampanya para sa kanila ni Erap.

Matindi rin kasi ang pakikisama ni Vice Isko noon sa mga nakasama niya sa showbiz, kaya hindi nakakapagtaka na ang mga ito na mismo ang nagkukusang mag-alok ng kanilang suporta sa kanila ni Erap.

***

Noong Lunes ay kinunan na sa Philippine Navy Headquarters sa Sangley Point, Cavite ang ilang eksena ni Richard Gutier­rez at ibang co-stars niya sa Love & Lies, ang bagong drama/action series niya sa GMA 7.

Matitindi ang mga eksena kung saan ay nagte-training sila sa Philippine Navy.

Sabi ni Richard, very thankful siya sa mga taga-Philippine Navy dahil todo-suporta ang mga ito sa Love & Lies para maging mas makatotohanan ang kanilang mga eksena.

Ang writers ng Love & Lies ay kinukonsulta ang mga taga-Philippine Navy pagdating sa kanilang mga eksena at dialogues.

Isa sa mga eksenang kukunan ngayon ay ang big wedding scene nina Richard at Michelle Madrigal.

***

Speaking of Richard, nakakatuwa sila ni Marian Rivera kapag magkasama sa pagpo-promote ng pelikula nilang My Lady Boss na magsu-showing na sa Abril 10.

Sa sobrang concern nila sa My Lady Boss, nag-uusap sila kung paano mas maipo-promote ang kanilang reunion movie.

Noong makasama ko sila sa Startalk, naisip nila na bukod sa official poster ng My Lady Boss ay magpagawa pa ng ilang layouts na puwedeng maging viral posters ng pelikula.

Bale sa Internet ipapakalat ang new layouts na 'yon ng My Lady Boss at additional materials nga naman 'yon para sa promo ng kanilang pelikula.

Hindi nakakapagtaka na ganoon na lang ka-concern sina Richard at Marian sa promo ng My Lady Boss dahil pareho silang na-excite na muling magkasama sa pelikula.

***

Follow me on Twitter (@junlalin)

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION