ALCANO KINASUHAN NG RAPE

50-point streak ni Bryant nahinto, pero nalo pa ang LA

Elite cage camp

500 days to 2008 Beijing Olympics

MPD Press kampeon sa badminton

Heritage Cup may 80 fights


SPORTS UPDATE

Isang conference na pagdadalamhati


Ramdam ng lahat ang pagkawala ng dating PBA commissioner Jun Bernardino. Kada may makausap kami, ganito ang maririnig mo: "Napakabata pa pala ni Jun Bernardino, bakit ang aga naman niyang namatay." Hindi maiwasan na mapag-usapan siya sa paligid ng laro.

Lahat ng mga teams sa PBA, mga jersey ng players ay pinapalagyan ng itim na tela sa kanang bahagi ng kanilang jersey. Mananatiling nakalagay ang itim sa mga uniporme ng players hanggang sa matapos ang Fiesta Conference.

***

Halos lahat ng mga coaches ay nalulungkot sa maagang kamatayan ni Kume. Maraming alaala ang naiwan sa kanila noong aktibo pa ito sa pro-league. Ilan lang dito sina coach Tim Cone, Jong Uichico, Chot Reyes, Eric Altamirano, Sonny Jaworski and etc. Walang katulad, anila si Jun B.

***

Napasyalan naman namin ang Nike Elite Basketball Camp ni coach Erik Altamirano, with Alex Compton and coach Ato Badolato. Silang tatlo ang siyang nag-aasikaso sa naturang basketball camp. Ayon kay Altamirano, ang pagkakaiba ng kanilang camp sa iba ay may anim na araw itong training, unlike sa iba na isang araw lamang umaabot. Hindi lamang basta basketball camp ang nagaganap dito kundi may totoong laro, inbound, passing, dribling. Dito mararanasan ng mga nagsisimula pa lamang matututong mag-basketball ang ibang level ng basketball.

***

Hindi lang pala mahusay maglaro ng basketball itong si Ronald Tubid ng Ginebra kundi magaling din siyang maging chef. Minsan wala yatang magawa itong si Tubid at inimbitahan ang kanyang ilang malalapit na players. Kasama pa ang kanilang import na si Rod Neally, alam ba ninyo na pinatikim ni Ronald ang kanyang specialty na sweet and sour Lapu-lapu. Pati na ‘yung lutong kare-kare ng kanyang kasama sa bahay ay nagustuhan ng lahat lalo na itong si import Neally.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top