|
50-point streak ni Bryant nahinto, pero nalo pa ang LA 500 days to 2008 Beijing Olympics MPD Press kampeon sa badminton
|
SPORTS
UPDATE
MPD Press kampeon sa badminton Tinanghal na over-all champion ang MPD Press Corps sa katatapos na badminton tournament na ginanap sa Badminton Court sa Manila Police District (MPD) kagabi. Inorganisa ng Manila’s Finest Brotherhood Association at ni MPD Director Chief Supt. Danilo Abarzosa, ang MPD Press Corps ay binubuo ng mga reporter na kumokober sa Manila’s Finest. Ayon kay Francis Naguit ng RPN-9, pangulo ng MPD Press Corps at team manager, ang pagiging over-all champion ng mga mamamahayag sa MPD ay dahil na rin sa ipinakitang ‘Team Effort at Team Work’. Sa ladies doubles ay nag-champion sina Connie Recio at Susan Ignacio ng Malaya habang sa men’s doubles category ay nagwaging 1st runner up si Mer Layson ng Radyo ng Bayan at diyaryong Pang Masa (PM) kasama ang partner na si Rommel Bonifacio. Si Zony Reyes ng GMA/DZBB at partners niyang si Jake de Guzman ng Malaya ay 2nd runner up sa katatapos na liga para sa mixed double’s category. Ang iba pang nag-champion sa liga ay sina Col. Frumencio Bernal kapartner ang anak nitong si Jay-Jay para sa men’s Doubles category. Sina Radley de Mateo at Sheila Estrada naman ang nag-champion sa sixed doubles habang 1st runner-up sina Grace Bernal at Col. Rey Garcia. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|