ALCANO KINASUHAN NG RAPE

50-point streak ni Bryant nahinto, pero nalo pa ang LA

Elite cage camp

500 days to 2008 Beijing Olympics

MPD Press kampeon sa badminton

Heritage Cup may 80 fights


Inbound


 

SPORTS UPDATE

500 days to 2008 Beijing Olympics


BEIJING --- Nagkalat sa buong Beijing ang countdown sa 500 araw na lang bago ang Olympics noong Lunes, at walang nagduda sa kahandaan ng stadium, roads at iba pang venue games para sa pinakakaabangang ‘greatest show on earth’.

Sa summer na ito, 26 test events ang magbibigay-kulay sa venues, bahagi ng dambuhalang US40 billion building project upang maging moderno ang kabisera ng China.

Subalit masusubok at masusuri higit dito ay ang human infrastructure sa pagdating ng mahigit sa 500,000 visitors at 20,000 journalists sa susunod na summer.

Sa nalalabing 16 buwan na lamang, halos iniwan na ng Beijing Organizing Committee ang expertise ng ibang nasyon at tumututok na lang sa technical experts na nagkukumpuni pa rin sa ibang venues.

"I think all the venues are coming along according to the plan, and the Olympic Village," saad ni Gunilla Lindberg ng Sweden, isang vice president ng International Olympic Committee. "Perhaps they are lacking some staff, but hopefully they will in a couple of months have everything in place -- I hope."

Hindi tulad ng 2004 Games sa Athens, walang magiging last-minute painting, nagmamadaling karpentero na magdadagdag ng finishing touches. Sa katunayan, inabisuhan ang Beijing organizers ay magdahan-dahan sa kanilang pagtatrabaho sa mga venues.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top