|
50-point streak ni Bryant nahinto, pero nalo pa ang LA 500 days to 2008 Beijing Olympics MPD Press kampeon sa badminton
|
SPORTS
UPDATE
Elite cage camp (Ace Pasco) Lalong pinalawak ang pagpipilian para makasiguro na ang pinakamahuhusay lang na high school basketball players ang sasailalim sa Elite Basketball Camp mula March 30-April 4 sa Brent International School sa Laguna. Hindi pa kuntento sa Metro Manila-wide na selection noong nakaraang taon kung saan ang lahat sa UAAP mythical five members ay pawang ‘graduate’ sa Elite Camp, ginawa pang nationwide ngayon ang tryouts sa pitong key cities sa bansa upang mas mabigyang pagkakataon ang mga may potensyal sa probinsya na makaamot ng biyaya ng 6-day all-expense paid basketball camp para sa ituturing na ‘future’ ng Philippine basketball. "We wanted to go out and search the best of the very best," ani ng Kanong si Alex Compton, ang project director ng camp. Kasama ni Welcoat import at assistant coach Compton sina ex-pro coach Eric Altamirano at San Beda juniors multi-titled mentor Ato Badolato bilang mga tagaturo sa camp na naghanap ng mahigit 500 batang manlalaro sa buong Pilipinas at dito’y sinala pa sa 80 pinakamagagaling na sasailalim sa libreng basketball camp. May pagkakataon pang ipadala ang limang mapipili papunta sa Nike All-Asia Camp sa China kung saan noong nakaraang tao’y tatlo ang pinadala at naging matagumpay si 1st Elite Basketball Camp MVP Mike Gamboa ng Ateneo nang hiranging isa sa Asia All-Star team. May bonus pa sa camp para sa coaches ng mga mapipiling player sapagkat mabibiyayaan din sila ng libreng coaching clinic mula Abril 2-3 na pangungunahan nina Compton at Altamirano. Tulad ng una, layon ng ikalawang edisyon ng camp ang sipatin ang mga magiging basketball superstars ng susunod na henerasyon, kwento pa ni Compton at sa hangaring mahubog ang mas magagaling pang cagers kailangang simulan ito sa maagang gulang pa lang. "A lot of them will eventually become PBA stars. We believe in this kids that why we are starting early," ani Compton. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|