ALCANO KINASUHAN NG RAPE

50-point streak ni Bryant nahinto, pero nalo pa ang LA

Elite cage camp

500 days to 2008 Beijing Olympics

MPD Press kampeon sa badminton

Heritage Cup may 80 fights


Inbound


 

SPORTS UPDATE

50-point streak ni Bryant nahinto, pero nalo pa ang LA


LOS ANGELES (AP) --- Nakalsuhan na rin ang 50-point streak ni Kobe Bryant noong Linggo ng gabi, subalit tila hindi siya nakitaan ng panghihinayang.

"Off night," tanging bigkas ni Bryant matapos sumilo pa rin ng malaking 43 points para pangunahan ang Los Angeles Lakers kontra Golden State Warriors, 115-113, na nagpahaba pa sa winning streak ng team sa season-high five games. 

Si Bryant ay umiskor ng hanggang 50 points sa apat na sunod na laro upang maging second player sa NBA history na magkaroon ng gano’ng streak at nagpasama sa kanya sa hanay ni Wilt Chamberlain.

Ang yumaong si Chamberlain ay gumawa ng 50 o higit pa sa isang record-seven straight games noong Disyembre ng 1961.

"What? No!" diin ni Bryant nang tanungin siya kung mayroon siyang panghihinayang sa hindi pag-abot sa 50 puntos. "I’ve always said Wilt’s a human video game. For me to be in the same breath with him, even if it’s a short little breath, is pretty cool."

Nang mayroon lang natitipong 17 points si Bryant sa unang 9 minutes, tila mayroon nang senyales na mapuputol na nga ang kanyang streak.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top