|
50-point streak ni Bryant nahinto, pero nalo pa ang LA 500 days to 2008 Beijing Olympics MPD Press kampeon sa badminton
|
SPORTS
UPDATE
ALCANO KINASUHAN NG RAPE (Ace Pasco) Umilag si defending champion Alex Pagulayan sa palakol ni unseeded Roland dela Cruz samantalang wala namang kawala sa kontrobersya si world double champion Ronnie Alcano kahit hindi pa man nagsisimulang sumargo sa 2nd Billiards and Snooker Congress of the Philippines Pool Championship kagabi sa Ninoy Aquino Stadium. Magsisimula pa lang ang match ni Alcano habang isinusulat ang balitang ito pero pumutok ang balita ukol sa pagsasampa ng kasong rape ng kanyang dating asawa sa alegasyong ginahasa raw umano niya ng dalawang beses ang kanyang 14-anyos na anak na babae. "Oo nga raw, ginahasa ko nga raw. Nagsampa nga raw ng kaso sa DOJ ‘yung mag-ina, pero ano pa ba ang masasabi ko eh ‘di ‘no comment’," paiwas na sagot ni Alcano nang tanungin ukol sa isyu. Noong manalo pa lang ng World Pool Championship noong Disyembre dito sa Maynila na naging una’t pinakamalaki niyang break, mailap na si Alcano sa mga tanong ng mga mamamahayag tungkol sa kanyang asawa at pamilya. "Basta may asawa ako," ang sabi niya noon nang uriratin sa kasal at mga anak. Haharapin ng top seed na si Alcano ang Japan-based na si Ruel Esquillo sa huling game sa TV table. Samantala, dumaan sa butas ng karayom si Pagulayan sa 9-8 win kontra qualifier Dela Cruz. "Magaling at may tira talaga siya (Dela Cruz) pero kinabahan kami pareho sa hulihan," ani Pagulayan na kapapanalo lang sa Japan Open kamakailan. Nagmintis ang dating world pool champ sa one-ball sa winner-take-all 17th rack subalit hindi nasamantala ni Dela Cruz ang tsansa sa madali sanang cleanup matapos magmintis din sa manipis na pina sa side pocket sa pink-4 ball. Kahit makailang beses nagmintis sa mga naunang racks at bumilib sa matitikas na tira ng ‘di kilalang kalaban, hindi na pinakawalan ng bulinggit na Fil-Canadian ang pagkakataon at sinelyo ang panalo. Madali naman ang buhay para kay Dennis Orcollo sa 9-1 paglampaso kay Allan Soliman, ganoon din kay Antonio Lining na blinangko si Johann Choa, 9-0. Nagsipag-usad naman sa winner’s bracket ang mga paborito na si US Bar Tour double titlist Warren Kiamo, Jeffrey de Luna, Lee van Corteza, Ramil Gallego at Antonio Gabica. Hiniya ni Kiamco ang batang si Renemar David, 9-5 habang ginapi ni De Luna si Rodrigo Geronimo, 9-2. Binaston ni Corteza si Richard Pornelosa, 9-5 habang umeskapo naman sina Gallego kontra Michael Feliciano, 9-7 at Gabica laban kay Jarry Pelayo, 9-8. Sa women’s field na nagkasya lang sa 16 na kalahok, nangibabaw si top seed at SEA Games triple gold medalist Rubilen Amit sa 9-5 win kontra Ma. Mildred Almero. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|