|
|
ENTERTAINMENT
Ogie, hingahan ng mga problema Nandito pa rin kami sa
Boracay at patuloy ang taping ng Bubble Gang para sa Maganda raw at smooth ang Asian Spirit na sinakyan nila. Malaki at jet na walang propeller ang nasakyan nila kaya mas maayos ang lipad nito. Nainggit ang mga nauna at umasam na sana ay ‘yun ang sakyan ng grupo pauwi ngayong hapon. Sina Ogie at Rufa Mae ay sa Miyerkules pa ang balik sa Kamaynilaan. Apat na araw rin silang mananatili rito sa Bora. Siyanga pala, may show si Ogie sa Zirkoh Greenhills sa Sabado (Marso 31) nang 10:00 PM na pinamagatang Sobrang OA. Guests ni Ogie sina Janno Gibbs, Jennylyn Mercado at ang grupong Talentadings na sasakit ang tiyan ninyo sa katatawa. Para sa mga detalye, tumawag sa cell# 0916-251-3481. *** Nandito si Jeremy Marquez sa Bora kaya kinuha na siyang guest sa Bubble Gang. Nakita rin namin dito sina Bianca King at Andrew Wolff. Hindi na nagpunta ang
grupo sa MO2 bar kung saan may standing invitation ang grupo na bibigyan
ng libreng food at drinks worth 10 thousand. Sa Hey Jude na lang nagtsikahan at nag-inuman ang grupo ng mga artista at production staff. Dapat ay treat ‘yun ng production. Nagulat na lang si Marivin Arayata (ang big boss ng grupo) nang si Ogie ang nagbayad ng lahat. Ang nasabi na lang namin kay Ogie ay hindi lang pala siya Darling of the Press kundi Darling of the Stars din. Ayon naman sa mga artista ay ikinukunsidera nilang big brother si Ogie na takbuhan at hingahan nila ng mga personal na problema. Lalo naming hinangaan si Ogie na laging nandiyan sa mga pangangailangan ng iba. Never pa namin siyang nakitang iritable o dahilan ng problema ng production. Basta nandiyan lang siya sa isang tabi na nakangiti at naghihintay ng kanyang mga eksenang dapat gawin. Sana, maraming artistang katulad niya. *** Hindi rin maiiwasan ang ibang mga artista na habang naglalakad sa dalampasigan ng Bora ay lapitan ng fans para magpa-picture o magpa-autograph. Ang ayaw ng mga artista ay bigla silang kukunan na nakanganga o kung ano ang ginagawa nilang hindi kaaya-aya. Sa panahon ng computer technology ay napaglalaruan ang mga litrato at pwedeng gawan ng isyu. *** Kahit nandito kami sa Boracay ay minonitor namin ang final judgement ng Starstruck. Laking tuwa namin nang manalo ang mga paborito naming sina Mart Escudero at Aljur Abrenica. Sa umpisa pa lang ay sila na ang aming bet. Sa mga babae, hindi kami gaanong interesado sa kanila. Happy kami for Mart na na nakita namin mula nang nagsisimula pa lamang siya sa ABS-CBN. Malaking bagay ang pagkakapanalo niya sa Starstruck dahil malaki ang maitutulong nito sa kanyang pamilya. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|