Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Allan Diones

Abu Tilamzik

Joe Barrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Joross, para na ring nag-gym


Bihira naming mapanood sa telebisyon sina Rafael Rosell, Juddha Paolo at Joross Gamboa.

Naalaala namin si Rafael dahil sa isang movie na ginawa niya last year, ang Rome and Juliet kasama sina Andrea del Rosario at Mylene Dizon.

Si Joross ay nasa Love Spell kamakailan kasama si Roxanne Guinoo pero ayon sa kanila, sinimulan nila ito before May last year.

Na-miss namin si Juddha, ang Fil-Am na nangangarap na maging amateur boxer ng bansa pero for the meantime ay lumabas sa mga commercials at telebisyon.

Dahil sa Rounin, naging abala siya for more than one year.

Isang tele-epiko ito ng ABS-CBN na ipalalabas sa mid-April. More than one year in the making ito sa mga set na ginawa sa dating cement factory sa Binangonan, Rizal.

Habang ginagawa ang mga set sa 44-hectare land, tatlong buwan ang pag-eensayo ng mga artista sa iba’t ibang klase ng martial arts.

Ayon kay Joross, parang araw-araw ay nagdi-gym sila that time. "Iyon ang kailangan ko dahil hindi ako nagda-diet."

Sina Rafael at Joross ay mga Rounin at si Juddha ay isa sa mga kalaban.

Incidentally, si Philip Ko ang kanilang fight instructor at stunts director. Naalaala namin si Philip Ko na isang Hong Kong director. Siya ang nagdala kay Cynthia Luster dito at gumawa sila ng maraming pelikula.

***

Linggo ng filing of certificate of candidacy ngayon with the deadline two days away. For reelection si Anjo Yllana sa Parañaque bilang vice mayor.

Tatakbo si Alma Moreno bilang konsehal. Si Robert Ortega ay for reelection bilang konsehal sa Manila. Si Yul Servo (John Martin Cruz Nieto) ay tatakbo bilang konsehal sa third district ng Manila.

Running mate ni Danila Lacuna for mayor at vice mayor si Isko Moreno. Tatakbo kaya for vice mayor din si Cita Astals?

For reelection si Aiko Melendez sa Quezon City bilang konsehal. Nakadesisyon na kaya sina Ara Mina at Jomari Yllana?

Si Marjorie Barretto ang papalit bilang konsehal sa mister na si Dennis Padilla sa second district ng Caloocan.

Malamang personal pupunta ang mga ito para mag-file ng kanilang CoC sa Comelec. Si Manny Pacquiao na nasa US ngayon for his April 14 bout kay Jorge Solis ay magpa-file ng CoC in absentia.

Ang abogado niyang si Atty. Franklin Gacal, ang magpa-file nito sa provincial Comelec office sa Koronadal, ang capital ng South Cotabato.

Si Dan Fernandez, dating Vice Governor ng Laguna, ay tatakbo bilang congressman sa first district.

***

Namatay noong Marso 16 si Direk Joey Gosiengfiao at inilibing noong Marso 17.

Habang nasa Showtime program kami noong Sabado (Marso 24), nagpadala sa amin ng text message nang 9:40 PM ang kaibigang Jun Macarubbo.

Ayon sa message: "Pasiyam ngayon ni Direk Joey Gosiengfiao. Nakalulungkot, wala man lang isa sa mga kakilala niya sa industriya ang nakaalaala.

"Anyway, may pitong tao na non-showbiz na naka-attend ng mass niya ngayong gabi."

***

ONE-LINER: The happiest people on earth are those who have a hard time in recalling their worries and easy time remembering their blessings.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top