Cyber Prayer

Romance Tonite

Hardliner

Walang Bolahan


 

PUBLIC SERVICE

'Hari' ng NAIA 


Umaalingasaw ang baho sa likod ng usapin ng modernisasyon ng pasaporte natin. Kamakailan ay naglabas ng restraining order ang SC laban sa nanalong bidder at kontraktor ng machine readable passport and visa at hindi nila alam na sila ay napaglalanganan na pala.

Nagsampa ng petisyon sa SC ang Department of Finance para matanggal ang preliminary injunction na inilabas ng mababang korte. Pero ang nakapagtataka ay kung bakit dayain ang mga tao sa likod ng petisyon.

Lumalabas sa petisyon ng DFA na isang Edsel T. Custodio ang nakapirma sa kanyang kapasidad na Acting Secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang tanong, sino si Custodio? Ano ang kanyang kapasidad at intensyon sa pagbabalatkayo bilang acting secretary?

May iniiwasan ba silang problema kung kaya hindi nila mapapirma si Secretary Alberto Romulo at maging ang General Counsel ng Bangko Sentral ay nagiming pumirma at inilimita ang kanyang beripikasyon sa paragraphs 2-9 at 38-54 lamang ng petisyon.

Iregular at ilegal ang pagtatalaga bilang acting secretary kay Custodio dahil ang Pangulo lamang ng bansa ang maaaring magtalaga ng mga acting na Sekretaryo kapag ang regular na Sekretaryo ay maysakit o ang posisyon ay nabakante. Ang dapat ding maitalagang acting secretary ay isang undersecretary.

Kaya naman ayon sa mga abugado na kapag hindi mapatunayan na balido, galing at may pirma ng Presidente ng bansa noong Marso 1, 2007, ang petisyon ng DFA sa SC ay abinitio void, o walang saysay sa simula pa lamang at mawawala ang karapatan ng DFA dito.

***

Kung sa residential customers sa mga depressed area lang ang target ng multi-metering, bakit pati residential customers sa main road ng Gov. Pascual at M. Naval ay may mga metro rin na nakataas sa poste kasama na rin ang mga commercial establishments pati na mga simbahan at mga eskuwelahan.

Ang mayor lamang ayon sa Local Government Code bilang local chief executive ang may kapangyarihan na pumayag at pumigil na ipatupad ang business plan ng mga utility companies tulad ng MERALCO kahit pa may isang resolusyon o ordinansa na gawin ang Sangguniang Bayan.

Walang consultation o public hearing na ginawa bago payagan ng munisipyo ang paglalagay ng multi-metering system. Nagpapakita ito na walang tiwala mismo si Mayor Toby Tiangco sa mga taga-Navotas kahit alam n’ya na ang mga mamamayan ng Navotas ang nagluklok sa kanya sa puwesto at dapat niyang proteksyunan at konsultahin dahil taga-Navotas ang apektado sa kanyang pagpayag sa proyektong ito.

Kung nasa taas ang metro, wala nang karapatang magtanong at magreklamo ang mga mamamayan sa kanilang bill dahil largabista lang ang pwedeng makakita sa metro ng MERALCO.

Ang tanong ng bayan, Mayor Tiangco, nag-"deal" ka nga ba? Mga Navoteño, "DEAL" or "NO DEAL" ba kayo sa mga opisyal na ibinebenta ang inyong karapatan?

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top