Cyber Prayer

Romance Tonite

Hardliner

Walang Bolahan


Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa TONITE o paki-email siya sa doktoraholmes@ yahoo. com Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot nang personal.

PUBLIC SERVICE

May anak sa labas si mister


Dear Dra. Holmes:

Hi gud p.m. po. Kasi may malaki akong problema tungkol sa asawa ko kasi po nalaman ko meron palang anak sa labas ang asawa ko. Ano po ang dapat kong gawin? Ayaw naman n’ya makipaghiwalay sa akin. Sana po mabigyan n’yo ako ng advice ANNA

Dear ANNA:

Maraming salamat sa iyong sulat at sa iyong malaking tiwala sa akin. Aaminin kong medyo nag-aalangan akong magpayo sa iyo dahil (1) hindi ko alam kung anu-ano ang mahalaga sa iyo at (2) hindi ko rin alam ang relasyon mo sa asawa mo.

Importante kasing malaman itong dalawang bagay para "swak na swak" ang payong mabibigay ko sa iyo tungkol sa dapat mong gawin ngayon.

Halimbawa, napakasakit talagang malaman na may anak sa labas ang asawa mo. Pero kailangan kong malaman kung ano sa iyo ang pinakamasakit sa paglaman mo nito (what was most painful about your realizing this?): (1) Ang pinakamasakit ba ay na baka magkaroon ng problema ang pagmamanahan ng mga anak ninyo pag namatay na ang asawa mo? (2) O ang pinakamasakit ba ay na ang nanay ng anak niya ay baka may relasyon pa sa asawa mo kaya dalawa na kayong nagtatalo para sa pagmamahal niya? (3) O ang pinakamasakit ay ang pagkaalam na nagsinungaling siya sa iyo tungkol sa isang napakalaking bagay?

Kasi, kung ‘yung una, mas madaling ayusin sila: Pumunta sa abogado para sa una, para maaayos ang pagmamana. Makakatulong ng malaki, siyempre, kung wala kang balak na siguraduhing walang maiwan sa kanyang anak sa labas. After all, anak din niya ito at may karapatan sa ipagmamana sa kanyang tatay, na maagrabyado ang inyong mga anak -- o magiging anak -- at mawalan din sila ng kanilang birthright (mamanahan).

In other words, kung reasonable ka (at reasonable ang asawa mo -- siguro naman oo kung ayaw niyang maghiwalay kayo), maaayos ng abogado ang problemang ito at hindi ka na kailangang magmalasakit at matakot na walang maiiwan sa inyong mga anak.

Kung ang pinakamasakit naman na bahagi ng pagtataksil ng asawa mo ay ang pagkaalam na dalawa kayong nagkokompetensya sa pagmamahal (at atensyon) niya, ang pinakamabuti ay kausapin ng masinsinan ang iyong asawa. Kung sabihin niya na walang kaso ito, na ikaw ay talaga niyang mahal, then very good! Kasi magagawa niya ang hihilingin mo.

Ang hihilingin mo ay na kayong tatlo -- ang asawa mo, ikaw at ang nanay ng kanyang anak sa labas ay magkita at mag-usap tungkol sa kanyang responsibilidad sa kanyang anak. Mabuting mag-usap kayong tatlo dahil sa dalawang dahilan:

1. Maiging maayos, klaro at "above board" ang usapan tungkol dito. Ang ibig sabihin ng "above board" ay na alam ng lahat kung ano dapat malaman. Alam ng nanay ng anak sa labas ng asawa mo na alam mo ang nangyayari at alam din niya na alam mo na alam niya. Mahalaga ito para walang intriga.

2. Maiging malaman ng nanay na walang tinatago ang mister mo sa iyo. Kapag may tinatago kasi ang mister mo sa iyo lalong magkakaroon ng problema. (TO BE CONTINUED THURSDAY, MAR. 29)

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top