Editorial

Spy on the Job

Tapatan

Out of Order


 

OPINION

Tanong at intriga


Anong magic meron si Loren Legarda at patuloy itong bumabandera sa karera ng mga kandidato para senador sa mga isinagawang survey ng Pulse Asia at Social Weather Station? Ito ba ay patunay na talagang nadaya lamang siya noong May 2004 vice presidential race? Ito ba ay pagkilala sa kagalingan niya bilang isang mahusay na lider ng bansa?

Marami sa mga kapwa ko political science scholar ang nagtataka sa patuloy na pagtrangko ni Loren sa unang puwesto simula pa noong September 2006 hanggang ngayon. Kadalasan kasi, takot ang kandidato na manguna sa survey, dahil sa pangambang maging banderang kapos sa homestretch. Tatlong taon na ang nakakaraan ng huli siyang humawak ng puwesto bilang senador at kumandidato ito bilang pangalawang pangulo ng Pilipinas.

***

Halfway through the campaign, tila umandar na ang tangka ng Palasyo na siraan ang kandidatura ni Sonia Roco. Kahapon ay laman ng balita na posibleng hindi na tumuloy ang maybahay ng yumaong Sen. Raul Roco sa kanyang pagtakbo bilang mambabatas ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Balitang walang attribution o pinanggalingan. Hindi tinanong ang kandidato o ako, bilang campaign manager at secretary general ng Aksiyon Demokratiko, ang partidong kinaaniban ni Roco.

Bakit hindi tutuloy si Roco samatalang napakaganda ng kanyang kampanya. Matapos magdeklara si Mrs. Roco ng kanyang hangaring ipagpatuloy ang nasimulan ni Raul, nasa bottom 50 lamang siya, tumuntong ito sa number 21 before the start of the campaign period. Ngayon ay naglalaro na siya sa number 12 hanggang 10 position. Intrigang maliwanag ang ginagawa laban sa kandidato mula sa Bohol at Camarines na inaasahang papasok sa Magic 6 pagsapit ng halalan sa May 14.

***

Ipinag-utos ng pangulo ang pagpapalabas ng P1 bilyon para tugunan ang suliranin sa gutom sa bansa. Bagama’t kulang pa kung tutuusin, ang paglalaan ng naturang pondo ay isang magandang panimulang hakbang. Problema na ito simula pa noong dakong huli ng 2004. Katunayan, malala na nga dahil umabot na sa 53% ang bilang ng nagugutom sa bansa.

Bakit ngayon lang kumilos ang gobyerno? Bakit kinailangan pang itaon ito sa panahon ng kampanya? Bakit kung kailan ang isyu ng halalan ay tungkol sa napakababang kumpiyansa ng taumbayan sa panunungkulan ni Gloria Macapagal-Arroyo at saka biglaang nagkaroon ng pondo? Dati-rati ang sabi, walang pera ang gobyerno, kaya pasensiya muna.

***

Taun-taon, ipinagmamalaki ng GSIS na bilyun-bilyon ang kinikita nito. Katunayan, may mga seremonyas pa ng pagbibigay ng bilyon ni Winston Garcia kay PGMA sa Malacañang. Subalit, bakit walang humpay ang reklamong natatanggap namin mula sa mga miyembro na hindi pa nakakatanggap ng kanilang mga benepisyo? Iyong iba nga, pampalibing na lang ay hindi pa nakukuha, ilan taon na ang nakakaraan.

Bakit ganoon Mr. Garcia? Hindi ba’t ang counterpart premium o contribution para sa Government Service Insurance System ay ikinakaltas na ng Department of Budget and Management sa mga allocation para sa mga government agencies at government owned and controlled corporations? Papaano nangyaring na hindi naire-remit sa GSIS ang kanilang mga premium? Something is wrong somewhere Sec. Nonoy Andaya!

***

Mahalaga para sa lahat ng readers ng TAPATAN column sa TONITE at aming website: www.abante-tonite.com, tagasubaybay ng Pilipinas Gising Ka Na Ba? sa UNTV Channel 37 at www.untvweb.com, at mga kasapi at supporters ng BATAS (Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) Party-list, simula ngayon, ang aming call at text hotline ay 0917-984-2468 at 0921-696-1737 na! Maari pa rin kayong mag-log on sa aming website: www.batasnews.com o mag e-mail sa: jay_sonza@yahoo.com o kaya sa batasmauricio@yahoo.com.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top