ANAK NI GLORIA BINUNDAT SA PROYEKTO

Walang watchlist ang SC

M'cañang napundi sa hunger fund

Walang atrasan sa GO at TU

Paglusaw sa Senado supalpal sa survey


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Walang atrasan sa GO at TU

(RMiranda/RMarfil/EPrado)


Parehong tiniyak kahapon ng oposisyon at administrasyong Arroyo na walang magiging dropout sa hanay ng kanilang senatorial candidates.

Sa panig ng Genuine Opposition (GO), direktang itinuro ni Atty. Adel Tamano ang Malacañang bilang responsable sa pagpapakalat ng mga espekulasyong aatras ang dalawang kandidato ng oposisyon na sina Nikki Coseteng at Sonia Roco.

Sa panig ng Malacañang, sinabi naman ni Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio sa kanyang text message, na malisyoso, hindi totoo at pawang pang-iintriga lamang ang kumakalat na ulat na aatras sina Team Unity (TU) senatoriables Cesar Montano, Tessie Aquino-Oreta at Luis "Chavit" Singson.

"That report is totally false and based on malicious propaganda and intrigue. There will be no dropouts on the Team Unity slate," ani Claudio.

Maging si Team Unity spokesman Ace Durano ay kumpiyansang walang kandidato ng Team Unity ang aatras sa laban.

"Based on the actuation of Team Unity candidates, all are committed to their respective senatorial candidacies. Such possibility (of withdrawing) is unlikely," ani Durano

Sinabi naman ni Tamano na walang ibang may motibo laban sa napapabalitang pag-atras ng dalawang kandidato ng oposisyon kundi ang administrasyong Arroyo.

"Hanggang pangarap na lang iyong pag-atras ng dalawa naming kandidato at natatakot siguro sila na maging 11-1 ang resulta ng eleksyon pabor sa Genuine Opposition," ani Tamano.

Mariing itinanggi nina Roco at Coseteng, ayon kay Tamano, ang pag-atras sa senatorial race. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top