|
ANAK NI GLORIA BINUNDAT SA PROYEKTO M'cañang napundi sa hunger fund Paglusaw sa Senado supalpal sa survey
|
TOP
STORIES
M'cañang napundi sa hunger fund (Rose Miranda/Rey Marfil) Sumabog na kahapon sa galit ang Malacañang matapos ang patuloy na pagsakay ng mga pulitiko sa isyu ng kagutuman sa bansa. Binansagan pa ng Palasyo sa pamamagitan ni Press Secretary Ignacio Bunye ang mga bumabatikos kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa nasabing usapin na mga "gutom sa kapangyarihan" at pinakiusapan na huwag nang gamitin ang isyu sa pamumulitika. Giit pa ng Palasyo sa mga kritiko na tantanan na si Pangulong Arroyo at hayaan ito na tuparin ang kanyang tungkulin para sa mga mamamayan. "For those who are still very hungry to take over the government, please spare this program from your brickbats and let the President care for our citizens... It is unfortunate that the President’s efforts to feed the hungry are being criticized and her intentions are being questioned," ani Bunye. Kamakailan ay ipinag-utos ni Pangulong Arroyo ang pagpapalabas ng P1 bilyong pondo para sa anti-hunger campaign matapos na iulat ng Social Weather Station (SWS) na isa sa bawat tatlong pamilyang Pinoy ang nagugutom. Sa panayam naman sa radyo kahapon ay tiniyak ni Budget Secretary Rolando Andaya na hindi nila ipapahawak sa mga lokal na opisyal partikular yaong mga kakandidato ngayong eleksyon ang nasabing pondo. Samantala, sinabi ni Genuine Opposition (GO) reelectionist Sen. Panfilo "Ping" Lacson na hindi masisisi ng Malacañang ang oposisyon o ng sinumang kritiko ni Mrs. Arroyo kung pagdudahan ang paglabas ng P1 bilyong hunger fund ngayong eleksyon lalo pa’t malinaw sa rekord ng kasalukuyang administrasyon ang mga hindi nareresolbang kaso ng korapsyon. Hanggang ngayon, hindi nareresolba kung saan napunta ang multi-bilyong pisong pondo ng gobyerno katulad ng fertilizer fund, overpricing sa konstruksyon ng Diosdado Macapagal Avenue at iba pang proyektong nabalutan ng katiwalian kung kaya’t karapatan ng publiko ang magduda sa P1 bilyong hunger fund. "Kung ibabase natin sa rekord ng GMA administration sa paggamit ng malaking halaga para sa mga mahihirap na walang masyadong kakayanan para mag-check sa pondo para sa kanila, siguradong pagsasamantalahan at ibubulsa lamang ng ilang mga suwapang at walang konsensyang opisyal ng gobyernong ito. Itaga na natin sa bato na nanakawin ang malaking bahagi ng P1 bilyon para sa gutom," ani Lacson. Pinagdudahan naman ni GO reelectionist Sen. Manny Villar kung aabot sa taong 2008 ang P1 bilyong hunger fund ni Mrs. Arroyo at kung makakasapat ang pondo para tugunan ang kahirapan.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|