|
ANAK NI GLORIA BINUNDAT SA PROYEKTO M'cañang napundi sa hunger fund Paglusaw sa Senado supalpal sa survey
|
TOP
STORIES
Walang watchlist ang SC (Grace Velasco) Mariing pinabulaanan kahapon ng Korte Suprema na mayroong mga mahistrado na kasalukuyang minomonitor at nasa "watchlist" umano bilang mga tiwaling miyembro ng hudikatura. Ayon kay Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Supreme Court, wala silang pinanghahawakang listahan na naglalaman umano ng mga pangalan ng mga mahistrado ng Court of Appeals (CA) na sangkot sa katiwalian, partikular sa napaulat na talamak na bentahan ng temporary restraining order (TRO). Gayunpaman, inamin ni Marquez na mayroong natatanggap na mga anonymous letters ang Korte Suprema na naglalaman ng mga reklamo laban sa ilang mga mahistrado. "May mga sulat kaming natatanggap but there are no clear evidence na nakalagay sa sulat," ani Marquez. Nauna nang napaulat na mayroon umanong isandosenang mahistrado mula sa CA ang kabilang sa watchlist ng Korte Suprema at ng tanggapan ng Ombudsman. Mismong si Ombudsman Merceditas Gutierrez ang nagsabi na ang nabanggit na 12 justices ay pawang inirereklamo ng mga abugado at litigants dahil sa umano’y pagbebenta ng kaso. Nilinaw naman ni Marquez na bagama’t seryoso ang liderato ni SC Chief Justice Reynato Puno na linisin ang hudikatura, hindi naman maaring patulan ang lahat ng mga anonymous letters. Kailangan, aniya, na mayroong basehan bago isailalim sa pagsisiyasat ang sinuman at hindi base lamang sa isang liham na maaaring gawin ng kahit na sino. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|